Thursday, September 6, 2007

WILYONARYO MADAYA

Nakakalungkot talaga na ang paborito kung noontime show, ay madaya pala. Kahit anong paliwanag nila, kitang kita ang pandaraya na ginawa nila. Bakit kailangan na may dalawang numero sa kahon? Ibig ba sabihin kong hindi nila gusto na manalo ang maglalaro ng jackpot ay gagawin nila. Maliwanag na nasa control nila kung ibibigay o hindi ang jackpot. kasi kung talagang walang daya dapat isa lang ang numero sa loob ng kahon.

Tulad ng DEAL OR NO DEAL ni cris. Kitang kita na walang daya kasi ikaw mismo ang sasagot kong deal ka na, ika nga ay sarili mong decision kong kukunin mo na ang inaalok sayo.
Eh dito sa dati kong paboritong noontime show, kahit pinili mo na ang kahon, tapos nagkataon na hindi ka nila type na makuha mo ang jackpot, napaka simple lang pala sa kanila na zero ang palabasin sa kahon. Yon nga lang hindi nagwawagi ang mandaraya, nabuking eh.

Sayang talaga, bumaba ang tingin ko sa pamunuan ng abs-cbn. Kasi pinayagan nila na magkaroon nang ganong uri ng pandaraya. Bilang isang mahirap, nangarap din ako na makasali sa wowowee, at magkaroon ng chance na makaahon din sa kahirapan. Pero nasira nila ang paghanga ko sa kanila. Hindi pala totoo ang nakikita ko, pulos palabas lang pala.

Sayang kahit paano sana matatalo na nila ang eat bulaga, kaya ngayon balik ako sa panonood ng eat bulaga. Sayang talaga, sayang. Nakapanlulumo, hindi ko malilimutan na noong nasa kuwait ako, wala akong inaabangan na palabas sa hapon kundi ang wowowee, naiiyak ako sa tuwa pag nanonood ako nito, kahit paano naiibsan ang pangungulila ko sa aking pamilya sa pilipinas noon, naiiyak pa ako sa tuwa tuwing nanonood ako. Sabi ko noon buti nalang may wowowee akong napapanood sa kuwait, nag rerecord pa ako, para pag gabi na ako dumating mapapanood ko pa din. Kasi natutuwa ako sa mga contestant. Sa mga simpleng tao na may mga simpleng pangarap na tulad ko. Sayang talaga.

No comments: