FRUIT GAME
Alam nyo ba ang machine na kung tawagin ay fruit game? Ito ay isang sugal, ang taya dito ay piso piso lang. Pero pag hindi mo napansin, nakakarami kana pala ng piso na naihuhulog. Makikita mo ito sa maraming dako. Madalas matatagpuan mo ito sa lugar ng mga squatters area, o di kaya ay sa lugar kung saan maraming mahihirap na tao.
Bakit nasabi ko ito? Kasi sa lugar kung saan maraming mahirap, doon maraming tao ang mahilig sa sapalaran ika nga. Ibibili nalang ng bigas, itataya pa baka sakaling lumago daw, sa fruit game machine kasi, ang piso mo tatama ng 20 pesos. Kaya maraming lukong luko sa larong ito.
At sa machine na ito, lahat puedeng sumali, bata matanda, lahat puedeng maglaro. Kaya madalas makikita mo, napakaraming bata ang naglalaro nito, imbes na pagkain ang binibili, hinuhulog pa sa machine baka sakaling manalo.
Ang suma total, marami nang adik sa sugal na ito. Ngunit ang buong katotohanan, wala naman talagang nanalo sa fruit game machie na ito. Dahil sa tuwing binubuksan ang mga machine na ito, laging punong puno nang mga baryang piso, madalas umaapaw pa sa lalagyan ang maraming piso coin. Ang alam ko bawal ito. Pero paano magiging bawal kung mga POLICE ang may ari? Hindi na bawal?
Minsan nga habang kinukuha ng mga police ang perang laman ng fruit game machine, maraming bata ang nanonood, kaya di sinasadya, tinanong ng police ang isang bata na kanina pa nakatingin sa mga barya. Sabi ng police, “ boy hindi ka ba pumasok sa eskwela “ ang sagot ng bata “ hindi po ako nakapasok kasi natalo ang tatay ko dyan sa fruit game machine, pati pangkain namin at baon ko pinatalo ni tatay dyan “. Madalas may away sa lugar kung saan may fruit game, sa kadahilanang, halos doon na nauubos ang oras ng marami dahil sa pagsusugal nila, ngunit paano masusugpo ito kung mga police ang nagpapatakbo nito. Ako sa sarili ko, naaawa ako sa mga taong kakainin nalang itataya pa sa machine na ito, na talaga naming napakatakaw sa piso, kaya ang mga police, para lang silang namumulot ng pera sa negosyo nilang ito, minsan tuloy nag sisisi ako kung bakit hindi ako nag police nalang, di sana ako naghihirap nang ganito.
Ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment