HAZING
09/07/07
Last Saturday, napanood ko sa Jessica soho ng GMA ang kwento tungkol sa pag Sali sa hazing. Hindi ko matanggap ang katwiran ng babaeng nagging kasapi ng fraternity, kung saan pulos pasa ang kanyang katawan pagkatapos ng hazing o pag bibinyag sa kanya. Hindi man lang ito nakitaan ng pag sisi o galit sa mga nanakit sa kanya. Bilang isang magulang, gaano kasakit sayo na malaman mo o Makita mo na sinasaktan ng ibang tao ang iyong anak? Wala po itong kasing sakit.
Ang sabi ng babae, bilang isang bagong member, kailangan mo itong daanan, upang Makita ang pag mamahal mo, o pag mamahal nila sayo bilang kasapi ng samahan.
Pag mamahal ba ang tawag sa pananakit na halos ikina mamatay pa ng maraming sumasali dito? Ang sa akin ay ganito, yon lang ba ang paraan upang subukin ang isang tao na talagang gusto nyang maging member? Ang saktan sya na halos namamaga na ang buong katawan? Napaka hirap tanggapin ang mga ganitong katwiran. Na kung gusto mong pag ka graduate mo ay maraming tutulong sayo na mga ka brother, ay kailangan mong sumali at daanan ang ganitong klasi ng pananakit. Kung minsan ay nagagahasa pa ang mga babae? Hindi kaya may kakulangan sa pag iisip ang sumasali dito? O duwag na harapin ang bukas? Maraming takot sa sarili, at hindi kayang mag isa?
Maraming nagtagumpay sa buhay na hindi sumali sa fraternity. Hindi kaya may kahinaan sa ulo o di kaya tamad mag aral, para lang makapasa ay sumasali dito? Dahil may mga faculty staff ng school na kasali din dito. Pag member ka nga naman ay papasa ka. Tama siguro nga mahihina ang ulo nila, ewan ko, hindi naman siguro lahat, kasi may mga senador na umamin na member din sila ng mga fraternity. Nalilito na tuloy ako, naiisip ko lang kung matalino ang mga senador natin, bakit naghihikahos parin ang bansang pilipinas? Mahihina din kaya ang mga ulo nila? Ewan ko ba.
Ang mga nagging member kaya ng fraternity na nakaranas ng hazing, ng masasakit na palo, sampal, sipa at kung ano ano pang klasi ng pananakit na halos ikinamatay na nila. Pag nag kaanak kaya sila, papayagan din kaya nilang sumali din sa fraternity ang mga anak nila? Ewan ko nalang, sa akin bilang magulang, walang puedeng manakit sa anak ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment