Friday, September 7, 2007

CABUYAO

June 20,2006


Nitong nakalipas na 2 buwan, nagkaroon ng demolision sa lugar ng makati sakop ng barangay magallanes. Sa south pnr relis ng tren. Kung saan libong pamilya ang inalis sa lugar. Sila ay binigyan ng relocation sa lugar ng Cabuyao, lalawigan ng Laguna doon sa barangay marinig.

Sa halagang limampung libong piso para pampatayo ng kani kanilang tahanan sa sukat ng lupa 40 sqm. At ilang bag ng grocery, ay napapayag nila ang mga tao na umalis ng kusa sa kani kanilang mga tahanan, dahil na rin sa kahirapan at pangarap na magkaroon ng matatawag na tahanan na magiging kanila pag dating ng araw.

Ngunit lubhang hindi napaghandaan ng mga tao kung saan sila kukuha ng ikabubuhay sa lugar na pinaglipatan sa kanila, maging ang kanilang mga tahanan ay hindi pa din nila matapos tapos dahil sa kakulangan ng budget. Sapagkat wala naman silang trabaho sa lugar na iyon. Kayat sa halagang limampung libo na para sana pampagawa ng bahay, ay doon din nila kinukuha ang pagkain nila sa pang araw-araw. Kayat hindi nila magawang matapos ang bahay na kanilang dapat na titirhan.

Ang NHA naman ay hindi din naihanda ang lugar para sa libo libong tao. Walang kuryente at tubig, May mga naitayong poso, ngunit ilan sa mga ito ay hindi din napapakinabangan, pag sapit ng gabi ay napakadilim ng lugar. Napaka kawawa ng mga bata sa lugar ilang buwan na din silang nagtitiis sa ganitong kalagayan. Kayat hindi talaga matatapos ang usapin tungkol sa mga squatters, ang ilan sa mga lumipat sa cabuyao ay iniwan na ang lugar nila, at muling nagsibalik sa maynila at makati upang muling mag umpisa ng kanilang mga buhay. Sapagkat wala naman silang makuhang trabaho sa lugar. Ang iba naman ay nagkasya na lamang sa pamimingwit ng mga isda sa kalapit na laguna lake upang kahit paano ay may maiulam sa kanilang tahanan.

Napakagandang proyekto sana nito para sa mga mahihirap ng lungsod na walang tahanan. Ngunit lumalabas na nagging mas mesirable ang kanilang pamumuhay sa lugar na pinaglipatan sa kanila. Hindi sapat ang programang ito ng ating gobyerno kung walang tinatawag na livelihood program upang magkaroon ng kaalaman at makapagsimula ng mas maayos na pamumuhay sa lugar na pinaglipatan. Hindi sapat ang bigyan mo lang ng tahanan tama na. kasunod nito ay kung saan sila kukuha ng makakain sa bawat araw.

Magugulat tayo isang araw, babalik sila sa lungsod upang muling maging squatters sa sariling bayan. Malaki din ang nagging pagkukulang ni mayor binay sa mga taong ito ng makati na matagal din na panahon niyang pinakinabangan sa mga nagdaang election kung kayat sya ay nasa pwesto ngayon. Sabi mo mayor binay, MAKATI MAHALIN NATIN ATIN TO. Pero minahal mo ba ang mga taong iyong pinakinabangan? Nandon sila sa cabuyao laguna baka may maitulong ka, hindi pa naman huli, sana lang maalala mo sila. Lumalabas na walang utang a loob itong si mayor binay sa mga taong naglagay sa kanya sa kanyang pwesto sa loob ng maraming taon. Nagging tapat sa kanya ang mga taong ito sa loob g napakaraming taon ng kanyang panunungkulan sa bayan ng makati.

Lubhang kailangan ng mga taong ito ang kanyang tulong. Sapagkat dadating ang panahon na babalik din ang mga taong ito sa bayan ng makati. Dahil sa kahirapan ng buhay sa cabuyao laguna. Parang may mga sakit ang mga taong ito at inilagay sila sa lugar kung saan napakahirap na marating. Kung ikaw ay walng isang daang piso at manggagaling ka ng makati ay hindi ka makakarating dito. Napakahalaga po ng ikabubuhay pagdating mo sa isang lugar upang ikaw ay makapag simulang muli. Kayat hindi sapat na bigyan mo ng tahanan ang isang tao bagkus kailangan mo din silang bigyan ng ikabubuhay sa lugar upang silay makapagsimulan muli.

Dahil sa kahirapan ng buhay sa lugar na pinaglipatan sa kanila, maging ang mga bakal na nakalawit sa bahay na kanilang itinayo ay kanilang pinuputol maging ang yero mismo ng kanilang mga bahay na kanilang bubungan ay binabaklas nila upang ipakilo sa mga junkshop para lamang may maipakain sa kanilang mga anak, ganun katindi ang hirap na dinaranas nila sa lugar na sana ay lupang pangako sa kanila at katuparan ng kanilang mga pangarap sa buhay. Hanggat hindi napag hahandaan ng pamahalaan ang tunay na programa sa mga squatters, ay patuloy na dadami ang mga ito. Sana man lang bago ipatupad ang paglilipat ay maihanda ang lugar o ang mga tao upang silay makapag simula ng maayos sa lugar at hindi nila muling maisip na bumalik muli sa lungsod at maging squatters muli. Mahalaga na maturuan sila ng kanilang ikabubuhay sa lugar. Ang livelihood project ay napakahalaga nito.

No comments: