August 5,2007
TALIWAS SA SINASABI NG PAMAHALAAN ANG KASALUKUYANG PAMUMUHAY NG MARAMING PILIPINO, NA UMAANGAT DAW ANG ATING EKONOMIYA. NGUNIT, ALAM NAMAN NG ATING KASALUKUYANG PAMAHALAAN NA HINDI NA SAPAT ANG KINIKITA NG MGA MANGGAGAWANG PILIPINO O YONG SUMASAHOD NG MINIMUM WAGES. PAANO PA ANG MGA PILIPINONG MAS MABABA PA ANG KINIKITA SA TINATAWAG NA MINIMUM WAGES? INAALAM BA NG PAMAHALAAN KUNG TAMA ANG PASAHOD NG MGA KOMPANYA? INAALAM, BA NG PAMAHALAAN KUNG KUMAKAIN PA NG TATLONG BESES SA ISANG ARAW ANG NAKAKARAMING MANGGAGAWA? NAPAKARAMING PILIPINO ANG PATULOY NA NAGHIHIKAHOS SA KAHIRAPAN, PILIT NA PINAGKAKASYA ANG KAKARAMPOT NA KINIKITA. NAPAKASAKIT ISIPIN NA TILA HINDI ITO NARARAMDAMAN NG ATING PAMAHALAAN. DAHIL SA ANG KARAMIHAN SA NAKAUPO AY MAY MGA NEGOSYONG BINIBIGYAN NG PROTEKSYON AT HALOS LAHAT SILA AY MAYAYAMAN NA. KAYAT HANGGANG SA KASALUKUYAN AY HINDI MAIPASA ANG BATAS NA MAGTATAAS SA SAHOD NG MGA MANGGAGAWA. DAHIL SILA MISMO ANG PUMIPIGIL DITO.
ANG PAMAHALAAN AY GINAWA PARA SA MAMAMAYAN NITO, SIGURUHIN NA LIGTAS AT MAGKAROON NG MAAYOS NA PAMUMUHAY ANG BAWAT MAMAMAYAN NITO, NGUNIT TALIWAS DITO ANG KASALUKUYANG SITWASYON. HABANG ANG MGA NAKAUPO AY PATULOY NA YUMAYAMAN, LUGMOK NAMAN SA KAHIRAPAN ANG KARAMIHAN. GAANO KASAKIT SA ISANG MAGULANG NA MAY HINIHINGI ANG IYONG ANAK NGUNIT HINDI MO MAIBIGAY DAHIL TAMA LANG SA PANGKAIN ANG PERANG KINIKITA. MAS MADALAS NGA KULANG PA.
ILANG BATA AT MAGULANG ANG NANGANGARAP NA ISANG ARAW MARANASAN NAMAN NILANG MAKAKAIN SA JOLLIBEE O MC DONALD?
NAKAKALUNGKOT ISIPIN NA HINDI PO NARARAMDAMAN NG MARAMING PILIPINO ANG SINASABING PAG LAGO NG ATING EKONOMIYA, BAGKUS PATULOY ANG MGA MANGGAGAWA SA UTANG NG UTANG, BALE NG BALE UPANG MABUHAY SA ARAW ARAW. KUNG TUNAY LAMANG NA MAGLILINGKOD ANG MGA NAKAUPO AT HINDI ANG MAGLINGKOD SA IILAN, TOTOO AAHON TAYO SA KAHIRAPAN. SANA MAGISING TAYO ISANG ARAW NA HINDI NA NAG AAWAY ANG MGA SENADOR AT MGA CONGRESMAN, BAGKUS SAMA SAMA NILANG GINAGAWA ANG BATAS PARA SA IKABUBUTI NG MGA MANGGAGAWANG PILIPINO.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment