Friday, September 7, 2007

HAY BUHAY

Ang buhay ay punong puno ng pakikipaglaban, may darating na problema. Hindi pa man naaayos ang nauna, may kasunod nanaman. Minsan parang wala ng katapusan, ganun ba talaga ang buhay, lagging kailangan mong lumaban, minsan pakiramdam ko parang suko na ako, pero lagi ko ding naiisip na ilang beses ko na bang sinabi na suko na ako ayaw ko na. maraming maraming beses na pala, pero ito parin ako patuloy na lumalaban sa takbo ng buhay. Madalas napapagod na din ako, pero pinipilit kong tumayo upang muling lumaban.

Hindi ko na mabilang kung ilang digmaan na ng buhay ang pinag daanan ko, ang alam ko lang madalas akong madapa, nasasaktan. Lagi akong nagtatanong ano pa ba ang dapat kong gawin upang akoy magtagumpay, madalas may bumubulong sa akin, lumaban ka lang ng lumaban at wag kang susuko. Pero aaminin ko, natatakot din ako, marami akong kinatatakutan, takot akong mag isa, takot akong lumaban mag isa. Marami akong gustong subukan pero, pag sinimulan ko na madalas hindi ko naman natatapos, wala akong natatapos sa mga sinimulan ko. Kaya siguro hindi ako nagtatagumpay, madalas umuurong ako.

Pag nakikita ko ang maraming tao, iniisip ko, siguro marami din silang problema hindi ko lang alam kong mas magaan o mas mabigat kisa sa problema ko. At hindi ko din alam kong paano sila lumaban. Ang alam ko sa ngayon kailangan patuloy akong lalaban dahil sa mga mahal ko sa buhay. Kahit patuloy akong masaktan o mabigo, lalaban ako sa takbo ng buhay hanggang sa ako’y magtagumpay.

No comments: