GINTO ANG MGA KAMAY , SILAY MANLILILOK NG MAKABAGONG PANAHON. SILA’Y MANGGAGAWA NG MAGAGARANG TAHANAN AT NAGLALAKIHANG MGA GUSALI. ANG KANILANG TALINO SA PAG GAWA AY MAIHAHALINTULAD SA MGA BAYANING ESKULTOR.
KARAMIHAN SA KANILA AY HINDI NAGKAROON NG SAPAT NA ARAL, ANG IBA NGA AY HINDI MAN LANG NAKA TUNTONG NG MABABANG PAARALAN. ANG KAWALAN NILA NG PINAG ARALAN AY HINDI NAGING HADLANG UPANG MAKALIKHA NG MARARANGYANG TAHANAN MAGING NG MGA GUSALING HALOS HUMAHALIK NA SA KALANGITAN. SILA’Y MANGGAGAWANG GINTO ANG MGA KAMAY NGUNIT WALANG MATATAWAG NA TAHANAN.
MADALAS ANG KANILANG TAHANAN AY KUNG SAAN ANG KAPALIGIRAN AY LUGMOK SA KAHIRAPAN, MALAKI NA ANG SAMPUNG METRO KUWADRADO PARA SA BUO NILANG PAMILYA. WALANG SILYA O LAMESANG MAARING KAINAN. TAGPI TAGPING DINGDING BUTAS NA BUBUNGAN NI MAAYOS NA PALIKURAN AY WALA. KARAMIHAN SA KANILA AY NASA SQUATERS AREA, KUNDI MAN AY NASA ILALIM NG MGA TULAY KUNG SAAN MAARING MANIRAHAN.
SA TUWING AKO’Y NAKAKAKITA NG MAGAGANDANG BAHAY O GUSALI HINDI KO MAIWASANG HUMANGA SA KAMAY NG MGA TAONG NAGTAYO NITO. TUNAY NA HINDI MATATAWARAN ANG GALING NG KANILANG MGA KAMAY SA GANDA NG PAGKAKAYARI. KASABAY ANG LUNGKOT SA AKING DIBDIB. DAHIL MARAMI AKONG KILALANG CONSTRUCTION WORKERS, ANG KANILANG TIRAHAN AY HINDI MATATAWAG NA TAHANAN. SAPAGKAT ANG KANILANG KINIKITA AY KULANG PA SA PANG ARAW ARAW NA PAGKAIN, ANG KANILANG MGA ANAK AY HINDI NAKAKAPAG ARAL, KAPAG NAGKAKASAKIT AY HINDI MAN LANG MADALA SA DOCTOR O MAIBILI NG GAMOT.
SAPAGKAT ANG KARAMIHAN SA KANILA AY KUMIKITA NG MABABA PA SA MINIMUM WAGES. SA KABILA NA NAPAKA DELIKADO NG KANILANG MGA TRABAHO. DITO SA PILIPINAS, SILA’Y TINATAWAG NA MABABANG URI NG MGA MANGGAGAWA. PAG SINABING CONSTRUCTION WORKER KA. IBIG SABIHIN MAHIRAP KA PA SA DAGA. KAYA’T ANG IBA AY IKINAHIHIYA ANG TRABAHONG CONSTRUCTION. DAHIL TRABAHO DAW ITO NG MGA WALANG PINAG ARALAN.
SA SARILI KONG PANANAW, ITO AY TRABAHONG MARANGAL AT HIGIT SA LAHAT DAPAT NA IPAG MALAKI, SAPAGKAT NAKAKATABA NG PUSO NA ANG IYONG LIKHA AY TATAYO SA MAHABANG PANAHON AT MAKIKITA NG ILANG SALING LAHI.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment