Wednesday, September 5, 2007

OO BA O HINDI

OO BA O HINDI?

Paano ba makikilala ang isang tao, kailangan ba na makasama natin ito ng matagal? Kailangan ba na maipakilala ito sa atin ng mga taong malapit sa atin? Maraming paraan upang makilala nating maigi ang isang tao napakaraming paraan upang magawa natin ito.

Ngunit sa akin ay napakasimple lang upang lubos na makilala ang isang tao. Sa pamamagitan ng pag sagot niya ng oo at hindi. Opo sa pamamagitan ng pag sagot ng oo at hindi lubos na makikilala ang isang tao. Naranasan mo na ba ang pangakuan ng isang tao at hindi naman tinupad? Siguro maraming beses na. hindi ba masakit? Ang una nating nararamdaman ay pagkainis at nadadala tayo sa taong nangako sa atin. At higit sa lahat nasira na sa ating pagtitiwala ang taong ito. Sapagkat sinabi niyang oo ngunit hindi naman tinupad.

Marami sa atin ang umaasang kapag sinabing oo madalas na inaasahan na natin ito. Kaya’t masakit sa atin kapag hindi ito tinupad. Mas maige pa ang nagsasabi ng hindi sapagkat hindi na tayo umaasa pa.

Nasubukan mo na ba ang magsabi ng oo sa dalawa o higit pa sa iisang araw? Hindi ba minsan nalilito na tayo kung sino ang uunahin at kong sino ang unang pupuntahan para tuparin ang oong ipinangako. Napakahirap ng mga ganitong sitwasyon ngunit marami parin ang dumaranas ng mga ganitong problema. Dahil ito sa pagsagot ng oo at hindi kaya minsan tayo mismo ay nasisira sa ating mga kaibigan at mga mahal sa buhay. Walang masama sa pagsasabi ng oo ngunit may kasunod itong responsabilidad sa sinabihan nito.

Nakataya dito ang iyong pagkatao kung ano ka sa kapwa mo. Napakahalaga ng pagsasabi ng oo at hindi.





JEFFREY FUENTES

No comments: