Wednesday, September 5, 2007

HAPPY WORK

Paano ba natin na magagawang tama ang mga bagay na lagi nating ginagawa? Madalas ito ang lagi nating katanungan kapag tayo ay nagkakamali. Ang mga bagay na madalas nating ginagawa o araw-araw nating hinaharap ay hindi pa natin magawa ng maayos sa kabila na ito naman talaga ang trabaho natin.

Maraming tao ang nagtatanong kung bakit nakakaramdam ng pag kabugnot sa kanilang trabaho. Hindi naman talaga ang trabaho o ang mga kasamahan ang problema kundi ang ating mga sarili mismo. Maraming problema ang dumarating sa atin. Ngunit kung ating susuriing mabuti ay tayo din naman ang nagsimula, hindi ang trabaho o ang ibang tao. Pero ang madalas nating nasisisi ay ang trabaho at ang mga nasa paligid natin.

Kapag ang mga personal nating suliranin ay nadala natin sa trabaho madalas na tayong magkamali sa ating ginagawa, maging ang ating mga kasamahan sa trabaho ay nadadamay. Nagsisimula tayong mainis kahit sa mga simpleng bagay.

Kasunod nito ay nakakaramdam na tayo ng pag kabugnot, hindi na tayo masaya sa ating ginagawa, maging ang mga kasamahan sa trabaho ay hindi na din makasundo. Nagsisimula ka nang masira kasi hindi ka na masaya sa ginagawa mo.

Napakahalaga sa isang tao na masaya siya sa kanyang ginagawa, dahil kasunod nito ay ang isang maayos na trabaho at masayang kapaligiran at higit sa lahat kasundo pa ang kasamahan sa trabaho.

Upang maging epektibo sa ating pang araw-araw na Gawain lagi nating itanong sa ating sarili kung masaya ka pa ba? Dahil kung hindi na, kailangan mo na itong iwanan at humanap ng talagang nauukol sayo. Kapag nanatili kapa sa lugar kung saan hindi kana masaya, mag sisimula kang masira. Hindi lang sa trabaho mo maging sa mga kasamahan sa trabaho.

Maraming tao ang tumatagal sa kani kanilang mga trabaho, hindi dahil malaki ang kanilang kinikita dito. Ang sekreto, masaya lang sila. Pangalawa nalang ang pera ang mahalaga nag e enjoy ka sa ginagawa mo.

Lagi nating tandaan na ang taong masayahin ay nilalapitan ng magagandang bagay higit sa lahat ng mga kaibigan.

No comments: