Sa mga dinaranas nating kahirapan sa ngayon, patuloy na bumababa ang halaga ng ating kinikita, at ang mga bilihin ay pataas ng pataas. Halos hindi na tayo makaagapay sa uri ng pamumuhay sa ngayon. At lahat tayo ay naghahangad ng pagbabago.
Ngunit ang lagi nating katanungan. Kanino ba dapat na magsimula ang pagbabago?
Lagi nating sinasabi na dapat sa nasa itaas, dapat sa mga nanunungkulan. Kasi sila ang nasa position para mag desisyon.
Kailangan ba na ang mga tamang desisyon ay galing lang sa mga taong magaganda ang bihis? Sa mga nasa position at mga naka pag-aral? Madalas sila na lamang ang laging pinakikinggan at batas na ating sinusunod kung ano ang kanilang naisin. Iniaasa natin sa kanila ang lahat, maging ang takbo ng buhay ng ating mga pamilya. Ngunit, hindi ba natin naiisip na parang napakatagal ng panahon papunta sa hinahangad nating pag babago kung iaasa lang natin ito sa kanila?
Hindi kailangan na maganda ang bihis mo o naka pag-aral ka upang mag desisyon ng tama at mali. Ang kailangan mo ay lakas ng loob upang gisingin ang mga natutulog. Huwag natin hintayin ang panahon na isisi sa atin ng ating mga anak ang kanilang kahirapan, sapagkat hindi natin ito naipaglaban noon.
Dahil iniasa lang din natin sa iba kung ano ang ating magiging kapalaran. Hindi ibang tao ang nagtatakda ng ating kapalaran, hindi pa ito naisulat ninuman. Ikaw mismo ang susi kung ano ka sa darating na panahon, wala kang dapat na sisihin. Kung dumaranas ka ng mga kahirapan sa buhay, dahil ito ang pinili mo.
Nilikha ng diyos ang tao na may kalayaang pumili ng makasasama at makabubuti sa kanyang pamumuhay. At may karapatang ipaglaban ang kinabukasan ng kanyang pamilya.
Kung hindi ngayon, kaylan pa?
By: JEFFREY SISON FUENTES
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment