Saturday, September 22, 2007
HAPPY TOGETHER
Robi
MAMA RINA WITH JAYJAY
JOSE JEFFREY FUENTES
Robi grade 1
GRADUATION NI ROBI
MY FAMILY
Thursday, September 20, 2007
SWEET ROBI
Kuha ang picture na yan sa mall of asia last year, maganda ang anak ko, isa yan sa kayamanan ko, at kung bakit ako patuloy na lumalaban sa buhay. Gusto ko sya mabigyan ng magandang kinabukasan. Matalino yang anak ko na yan, magaling sya sa klase nila, mula grade 1 to grade 3 honor sya palagi. Pero ngayon medyo hirap kami sa buhay, tumutulong sya sa sa negosyo namin na pag titinda, kaya madalas sa mag tinda. Kaya ang grade nya ngayon medyo bumaba, nalulungkot ako kasi hindi na sya nakakapag aral ng maayos, kasi sa edad nya na 9 years old, kailangan na nyang tumulong sa amin para maghanap buhay, sabay sa kanyang pag-aaral. masakit sa akin na bumaba ang mga grade nya pero malaki ang naitutulong nya sa amin sa pamamagitan ng pagtitinda nya. Alam ko naman na mali kasi bata pa sya at magandang bata. Sa ngayon kasi hindi na sapat sa amin ang kinikita ko sa trabaho, kaya tumutulong na sa akin ang asawa ko at mga anak. Pasasaan ba at makakaahon din kami. Sabi ko nalang kay robi, pag nakaluwag kami, pag aaral nalang ang aasikasuhin nya. At hindi na sya magtitinda.
Saturday, September 15, 2007
Friday, September 14, 2007
AASENSO NGA BA?
AASENSO NGA BA?
Hindi ko alam kung sino ang pasimuno ng bagong commercial sa tv na ang title ay MAY ASENSO NGA kung hindi ako nagkakamali. Pinakikita dito ang interview at patotoo ng ilang tao na umasenso o nakaluwag na sa buhay. Ngunit kung ating titingnan sa ibaba habang nagsasalita ang mga talent nang commercial na yon, makikita ang caption na may roon silang mga kamag anak na OFW, o di kaya ay sila mismo ang OFW.
Sa aking sapantaha, ang dating sa akin ng commercial ay parang hinihikayat tayo na para umasenso ay kailangan nating maging OFW. Imbes na turuan ang ating mga kababayan na umasenso sa pamamagitan ng pag nenegosyo para umasenso ay taliwas ang commercial na ito. Hindi ko lang maisip na bakit pinapayagan nang ating pamahalaan ang mga ganitong klasi ng commercial sa tv. Ang tumatanim tuloy sa isip ng marami para umasenso ka, kailangan mong mag abroad at maging alipin sa lupain ng mga banyaga.
Sa pagkakaalam ko mayroong programa ang ating pamahalaan upang turuan mag negosyo ang marami nating kababayan, upang mabawasan ang mga umaalis sa ating bansa, at mabawasan din ang mga hindi magagandang karanasan ng maraming OFW sa ibang bansa. Ang sa akin, dapat na ipatigil ang commercial na ito na nag hihikayat sa marami na mangibang bansa upang umasenso.
Ito’y sarili kong karanasan, isa din ako sa maraming Pilipino na nangarap na magtrabaho sa ibang bansa. Kaya’t noong ako’y nagkaroon ng pagkakataon, agad akong umalis patungong Kuwait. Agad akong nangarap na magiging marangya na ang buhay namin. Para akong nakalutang sa alapaap, kasi ito na ang katuparan ng matagal ko nang pangarap. Nag simula ang aking byahe. Mula dito sa pilipinas, dumaan ako ng Bangkok Thailand, marami akong nakasabay na mga pilipina patungo din sila sa bansang Kuwait.
Mahigit sila sa 20 na pulos babae, ang tingin ko nga sa iba mga under age pa. Dumating kami sa subarnavhumi airport Bangkok Thailand 9pm gabi. Tapos lilipad ulit kami kinabukasan na patungong Kuwait 1pm pa. ang nabili ko na tiket at may kasamang hotel accommodation sa Bangkok palace hotel, kasama na ang pagsundo at paghatid sa akin, airpot to hotel, vice versa. Malayo din kasi ang airpot ng Thailand sa city siguro city to airport 50 km ang layo. Masarap ang nagging gabi ko sa hotel, masarap ang pagkain pati sa agahan pulos masasarap na pagkain ang mga nakahain.
Ngunit ang labis ko na ipinagtataka, mula pa noong ako’y lumabas sa airport papunta sa Bangkok palace hotel, parang nawawala ang mga nakasama ko sa eroplano ang pagkakaalam ko parehas ang mga schedule ng flight namin kinabukasan. Hanggang pag gising ko kinaumagahan, nagpunta ako sa lobby ng hotel para maghanap ng mga Pilipino, wala pa din sila. Kaya pumasok na ako sa restaurant ng hotel para mag almusal, maraming tao kaya linga ako ng linga baka Makita ko sila at nang may kasabay akong kumain, kasi karamihan doon pulos amerkano Chinese, marami pang ibang lahi, parang ako lang yata ang Pilipino, kaya napilitan akong maki share sa table ng mga Chinese, kaya kala nila Chinese din ako, puno na kasi halos lahat ng mga lamesa free kasi ang kainan na yon sa hotel. Kahit anong kainin mo kahit gaano karami ok lang sa hotel.
9 am dadating ang sundo ko pabalik ng airport. Pagbalik ko sa airport, nagulat ako sa nakita ko, ang mga kasama ko na mga Pilipino, natutulog sa mga bangko sa airport, at mukhang mga gutom na gutom na, may ilang gising kaya nakipag kwentuhan ako. Nalaman ko na huli silang kumain noong nasa loob pa kami ng airplane papuntang Bangkok, pag baba namin sa Bangkok hindi na pala sila pinalabas sa airport kaya doon na sila nakatulog sa mga bangko. Nalungkot talaga ako, ang agency pala nila ang biniling tiket ay walang kasamang hotel accommodation.
Nakakain silang muli noong nasa loob na ulit kami ng plane patungong Kuwait 2pm na yata yon. Kala ko doon na matatapos ang hirap nila sa byahe, hindi pa pala.
Kasi pagdating namin sa Kuwait agad kaming pumila sa immigration, nag uunahan pa kami, pero may isang immigration officer ang sumisigaw sa salitang Arabic, nang taal taal nakatingin sa mga pilipina, Ang ibig sabihin pala non halika ka halika. Lahat ng pilipina na nakapila ay lumapit sa kanya, lahat sila ay pinatabi sa isang sulok.
Ganun pala doon, ang mga pilipinang maid ay hindi puedeng sumabay sa ibang pasahero na pumila sa immigration, at hindi din sila puedeng lumabas sa arrival hanggat wala ang mga magiging amo nila. Kaya malungkot akong lumabas sa airport. Nakalimot ako saglit noong Makita ko ang mga sundo ko, ang kapatid ko na babae at ang isa ko na pamangkin na nag aaral sa Kuwait.
Kinabukasan ipinasyal ako sa Kuwait city,nakita ko ang marami nating kababayan, na talaga naming masasaya silang tingnan, magaganda ang bihis ang mga babae iba iba ang kulay ng mga buhok, ang isa sa napansin ko ang mga umpukan ng mga Pilipino, naki usyoso ako, umpukan pala yon ng mga pilipinong walang trabaho at may mga nagging problema o tumakas sa kanilang mga amo.
Ang iba sa kanila ay halos wala nang makain at nanghihingi na lamang sa kapwa natin Pilipino, sabi nang kasama ko, tibayan mo ang loob mo dito. Kasi maraming hindi swerte ang pagpunta dito kundi minalas, at ang masakit hindi alam ng kanilang mga pamilya sa pilipinas ang kalagayan nila dito.
Marami pa akong nakilalang Pilipino, May naka swerte, pero parang mas marami yata ang minalas. Merong tumakas sa amo at pagala gala nalang doon sa Kuwait, nanghihingi ng makakain sa mga kapwa Pilipino, pero madalas nagsasawa na din ang mga kapwa natin na magbigay kasi bumabalik din sila para manghingi ulit.
Meron naman tapos na ang contract hindi pa din makauwi, kasi nakasanla ang passport, at baon sa utang kasi pinadadala sa pilipinas. At hindi alam sa pilipinas na ang pinadadala nila ay inuutang lang nila. Ang mga babae naman na tumatakas sa mga amo nila, ang iba sa kanila ginagawang prostitute. Sa lugar ng farwaniya sa Kuwait, meron doon isang bilyaran at internet shop, ang nagsisilbi sa mga nagpupunta doon pulos mga pilipina, at makikita mong hantaran silang ibinubugaw sa mga dumarating na customer ng shop, na iba iba ang lahi. Alam ko kasi doon ako gumagamit ng computer pag nag eemail ako dito sa pilipinas.
Kaya labis akong nalulungkot sa mga kapwa ko Pilipino, lagi kong tinatanong sa sarili ko, alam kaya ng mga kamag anak ng mga babaeng ito ang naging kapalaran nila?
Hindi mo makikita ang lugar na ito kung hindi mo sasadyain, dahil nasa basement ito ng building. Ang sabi nong isa, mas maigi na dito sa basement, kasi kumikita kami kahit paano at may naipapadala kami sa pilipinas. Eh sa embassy, wala din naman silang maitutulong sa amin, kukumbinsihin lang kami na bumalik sa malupit naming amo. Para muling magdusa. Sa ilang beses ko na pabalik balik sa lugar na yon, parang tinanggap ko nalang sa sarili ko na unawain ang mga kapwa ko Pilipino sa nagging kapalaran nila.
Kasi ako din naman may problema sa sarili ko, mula nang dumating kasi ako, hindi na ako nakakatulog, isang lingo palang, parang gusto ko ng umuwi, sobra ang lungkot ko
Hindi ko na naiisip ang kikitain kong pera, mas mahalaga sa akin ang makauwi, dahil bawat oras o minuto yata, lagi kong naiisip ang mga mahal ko dito sa pilipinas, hindi ko na mabilang ang mga gabi na hindi ako nakakatulog. Dumadating ang punto na nagsisisi ako kung bakit ako umalis ng pilipinas, natuklasan ko na nandito sa pilipinas ang kaligayahan ko. Mas mahalaga pala ang kaligayahan nang isang tao kesa sa pera.
Napakaraming pamilya ang hindi maligaya sa panahon ngayon, dahil ang kanilang mga mahal sa buhay ay nasa ibang bayan upang maghanap buhay. Nag sasakripisyo upang mabigyan ng magandang bukas ang mga naiwan dito sa pilipinas. Pero hindi lahat may magandang bukas na naghihintay sa kanilang pag alis. Dito sa pilipinas maaari din tayong umasenso, ika nga ni villar, sipag at tyaga aasenso tayo. Kasama mo pa ang mga mahal mo sa buhay.
Bumalik ako sa pilipinas pag kalipas nang tatlong buwan, at napakasaya ko, ngayon kahit konti lang ang kinikita ko, napag kakasya naman namin, ang mahalaga sama sama kami at higit sa lahat nakakatulog na ako ng mahimbing, yon ang hindi kayang bilhin ng pera ang masarap na pag tulog at kasama ang iyong tunay na kayamanan sa buhay. Ang pamilya.
September 3,2007

FRUIT GAME?
FRUIT GAME
Alam nyo ba ang machine na kung tawagin ay fruit game? Ito ay isang sugal, ang taya dito ay piso piso lang. Pero pag hindi mo napansin, nakakarami kana pala ng piso na naihuhulog. Makikita mo ito sa maraming dako. Madalas matatagpuan mo ito sa lugar ng mga squatters area, o di kaya ay sa lugar kung saan maraming mahihirap na tao.
Bakit nasabi ko ito? Kasi sa lugar kung saan maraming mahirap, doon maraming tao ang mahilig sa sapalaran ika nga. Ibibili nalang ng bigas, itataya pa baka sakaling lumago daw, sa fruit game machine kasi, ang piso mo tatama ng 20 pesos. Kaya maraming lukong luko sa larong ito.
At sa machine na ito, lahat puedeng sumali, bata matanda, lahat puedeng maglaro. Kaya madalas makikita mo, napakaraming bata ang naglalaro nito, imbes na pagkain ang binibili, hinuhulog pa sa machine baka sakaling manalo.
Ang suma total, marami nang adik sa sugal na ito. Ngunit ang buong katotohanan, wala naman talagang nanalo sa fruit game machie na ito. Dahil sa tuwing binubuksan ang mga machine na ito, laging punong puno nang mga baryang piso, madalas umaapaw pa sa lalagyan ang maraming piso coin. Ang alam ko bawal ito. Pero paano magiging bawal kung mga POLICE ang may ari? Hindi na bawal?
Minsan nga habang kinukuha ng mga police ang perang laman ng fruit game machine, maraming bata ang nanonood, kaya di sinasadya, tinanong ng police ang isang bata na kanina pa nakatingin sa mga barya. Sabi ng police, “ boy hindi ka ba pumasok sa eskwela “ ang sagot ng bata “ hindi po ako nakapasok kasi natalo ang tatay ko dyan sa fruit game machine, pati pangkain namin at baon ko pinatalo ni tatay dyan “. Madalas may away sa lugar kung saan may fruit game, sa kadahilanang, halos doon na nauubos ang oras ng marami dahil sa pagsusugal nila, ngunit paano masusugpo ito kung mga police ang nagpapatakbo nito. Ako sa sarili ko, naaawa ako sa mga taong kakainin nalang itataya pa sa machine na ito, na talaga naming napakatakaw sa piso, kaya ang mga police, para lang silang namumulot ng pera sa negosyo nilang ito, minsan tuloy nag sisisi ako kung bakit hindi ako nag police nalang, di sana ako naghihirap nang ganito.
Ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha.

Sunday, September 9, 2007
HAZING
HAZING
09/07/07
Last Saturday, napanood ko sa Jessica soho ng GMA ang kwento tungkol sa pag Sali sa hazing. Hindi ko matanggap ang katwiran ng babaeng nagging kasapi ng fraternity, kung saan pulos pasa ang kanyang katawan pagkatapos ng hazing o pag bibinyag sa kanya. Hindi man lang ito nakitaan ng pag sisi o galit sa mga nanakit sa kanya. Bilang isang magulang, gaano kasakit sayo na malaman mo o Makita mo na sinasaktan ng ibang tao ang iyong anak? Wala po itong kasing sakit.
Ang sabi ng babae, bilang isang bagong member, kailangan mo itong daanan, upang Makita ang pag mamahal mo, o pag mamahal nila sayo bilang kasapi ng samahan.
Pag mamahal ba ang tawag sa pananakit na halos ikina mamatay pa ng maraming sumasali dito? Ang sa akin ay ganito, yon lang ba ang paraan upang subukin ang isang tao na talagang gusto nyang maging member? Ang saktan sya na halos namamaga na ang buong katawan? Napaka hirap tanggapin ang mga ganitong katwiran. Na kung gusto mong pag ka graduate mo ay maraming tutulong sayo na mga ka brother, ay kailangan mong sumali at daanan ang ganitong klasi ng pananakit. Kung minsan ay nagagahasa pa ang mga babae? Hindi kaya may kakulangan sa pag iisip ang sumasali dito? O duwag na harapin ang bukas? Maraming takot sa sarili, at hindi kayang mag isa?
Maraming nagtagumpay sa buhay na hindi sumali sa fraternity. Hindi kaya may kahinaan sa ulo o di kaya tamad mag aral, para lang makapasa ay sumasali dito? Dahil may mga faculty staff ng school na kasali din dito. Pag member ka nga naman ay papasa ka. Tama siguro nga mahihina ang ulo nila, ewan ko, hindi naman siguro lahat, kasi may mga senador na umamin na member din sila ng mga fraternity. Nalilito na tuloy ako, naiisip ko lang kung matalino ang mga senador natin, bakit naghihikahos parin ang bansang pilipinas? Mahihina din kaya ang mga ulo nila? Ewan ko ba.
Ang mga nagging member kaya ng fraternity na nakaranas ng hazing, ng masasakit na palo, sampal, sipa at kung ano ano pang klasi ng pananakit na halos ikinamatay na nila. Pag nag kaanak kaya sila, papayagan din kaya nilang sumali din sa fraternity ang mga anak nila? Ewan ko nalang, sa akin bilang magulang, walang puedeng manakit sa anak ko.

Friday, September 7, 2007
CABUYAO
June 20,2006
Nitong nakalipas na 2 buwan, nagkaroon ng demolision sa lugar ng makati sakop ng barangay magallanes. Sa south pnr relis ng tren. Kung saan libong pamilya ang inalis sa lugar. Sila ay binigyan ng relocation sa lugar ng Cabuyao, lalawigan ng Laguna doon sa barangay marinig.
Sa halagang limampung libong piso para pampatayo ng kani kanilang tahanan sa sukat ng lupa 40 sqm. At ilang bag ng grocery, ay napapayag nila ang mga tao na umalis ng kusa sa kani kanilang mga tahanan, dahil na rin sa kahirapan at pangarap na magkaroon ng matatawag na tahanan na magiging kanila pag dating ng araw.
Ngunit lubhang hindi napaghandaan ng mga tao kung saan sila kukuha ng ikabubuhay sa lugar na pinaglipatan sa kanila, maging ang kanilang mga tahanan ay hindi pa din nila matapos tapos dahil sa kakulangan ng budget. Sapagkat wala naman silang trabaho sa lugar na iyon. Kayat sa halagang limampung libo na para sana pampagawa ng bahay, ay doon din nila kinukuha ang pagkain nila sa pang araw-araw. Kayat hindi nila magawang matapos ang bahay na kanilang dapat na titirhan.
Ang NHA naman ay hindi din naihanda ang lugar para sa libo libong tao. Walang kuryente at tubig, May mga naitayong poso, ngunit ilan sa mga ito ay hindi din napapakinabangan, pag sapit ng gabi ay napakadilim ng lugar. Napaka kawawa ng mga bata sa lugar ilang buwan na din silang nagtitiis sa ganitong kalagayan. Kayat hindi talaga matatapos ang usapin tungkol sa mga squatters, ang ilan sa mga lumipat sa cabuyao ay iniwan na ang lugar nila, at muling nagsibalik sa maynila at makati upang muling mag umpisa ng kanilang mga buhay. Sapagkat wala naman silang makuhang trabaho sa lugar. Ang iba naman ay nagkasya na lamang sa pamimingwit ng mga isda sa kalapit na laguna lake upang kahit paano ay may maiulam sa kanilang tahanan.
Napakagandang proyekto sana nito para sa mga mahihirap ng lungsod na walang tahanan. Ngunit lumalabas na nagging mas mesirable ang kanilang pamumuhay sa lugar na pinaglipatan sa kanila. Hindi sapat ang programang ito ng ating gobyerno kung walang tinatawag na livelihood program upang magkaroon ng kaalaman at makapagsimula ng mas maayos na pamumuhay sa lugar na pinaglipatan. Hindi sapat ang bigyan mo lang ng tahanan tama na. kasunod nito ay kung saan sila kukuha ng makakain sa bawat araw.
Magugulat tayo isang araw, babalik sila sa lungsod upang muling maging squatters sa sariling bayan. Malaki din ang nagging pagkukulang ni mayor binay sa mga taong ito ng makati na matagal din na panahon niyang pinakinabangan sa mga nagdaang election kung kayat sya ay nasa pwesto ngayon. Sabi mo mayor binay, MAKATI MAHALIN NATIN ATIN TO. Pero minahal mo ba ang mga taong iyong pinakinabangan? Nandon sila sa cabuyao laguna baka may maitulong ka, hindi pa naman huli, sana lang maalala mo sila. Lumalabas na walang utang a loob itong si mayor binay sa mga taong naglagay sa kanya sa kanyang pwesto sa loob ng maraming taon. Nagging tapat sa kanya ang mga taong ito sa loob g napakaraming taon ng kanyang panunungkulan sa bayan ng makati.
Lubhang kailangan ng mga taong ito ang kanyang tulong. Sapagkat dadating ang panahon na babalik din ang mga taong ito sa bayan ng makati. Dahil sa kahirapan ng buhay sa cabuyao laguna. Parang may mga sakit ang mga taong ito at inilagay sila sa lugar kung saan napakahirap na marating. Kung ikaw ay walng isang daang piso at manggagaling ka ng makati ay hindi ka makakarating dito. Napakahalaga po ng ikabubuhay pagdating mo sa isang lugar upang ikaw ay makapag simulang muli. Kayat hindi sapat na bigyan mo ng tahanan ang isang tao bagkus kailangan mo din silang bigyan ng ikabubuhay sa lugar upang silay makapagsimulan muli.
Dahil sa kahirapan ng buhay sa lugar na pinaglipatan sa kanila, maging ang mga bakal na nakalawit sa bahay na kanilang itinayo ay kanilang pinuputol maging ang yero mismo ng kanilang mga bahay na kanilang bubungan ay binabaklas nila upang ipakilo sa mga junkshop para lamang may maipakain sa kanilang mga anak, ganun katindi ang hirap na dinaranas nila sa lugar na sana ay lupang pangako sa kanila at katuparan ng kanilang mga pangarap sa buhay. Hanggat hindi napag hahandaan ng pamahalaan ang tunay na programa sa mga squatters, ay patuloy na dadami ang mga ito. Sana man lang bago ipatupad ang paglilipat ay maihanda ang lugar o ang mga tao upang silay makapag simula ng maayos sa lugar at hindi nila muling maisip na bumalik muli sa lungsod at maging squatters muli. Mahalaga na maturuan sila ng kanilang ikabubuhay sa lugar. Ang livelihood project ay napakahalaga nito.

HAY BUHAY
Ang buhay ay punong puno ng pakikipaglaban, may darating na problema. Hindi pa man naaayos ang nauna, may kasunod nanaman. Minsan parang wala ng katapusan, ganun ba talaga ang buhay, lagging kailangan mong lumaban, minsan pakiramdam ko parang suko na ako, pero lagi ko ding naiisip na ilang beses ko na bang sinabi na suko na ako ayaw ko na. maraming maraming beses na pala, pero ito parin ako patuloy na lumalaban sa takbo ng buhay. Madalas napapagod na din ako, pero pinipilit kong tumayo upang muling lumaban.
Hindi ko na mabilang kung ilang digmaan na ng buhay ang pinag daanan ko, ang alam ko lang madalas akong madapa, nasasaktan. Lagi akong nagtatanong ano pa ba ang dapat kong gawin upang akoy magtagumpay, madalas may bumubulong sa akin, lumaban ka lang ng lumaban at wag kang susuko. Pero aaminin ko, natatakot din ako, marami akong kinatatakutan, takot akong mag isa, takot akong lumaban mag isa. Marami akong gustong subukan pero, pag sinimulan ko na madalas hindi ko naman natatapos, wala akong natatapos sa mga sinimulan ko. Kaya siguro hindi ako nagtatagumpay, madalas umuurong ako.
Pag nakikita ko ang maraming tao, iniisip ko, siguro marami din silang problema hindi ko lang alam kong mas magaan o mas mabigat kisa sa problema ko. At hindi ko din alam kong paano sila lumaban. Ang alam ko sa ngayon kailangan patuloy akong lalaban dahil sa mga mahal ko sa buhay. Kahit patuloy akong masaktan o mabigo, lalaban ako sa takbo ng buhay hanggang sa ako’y magtagumpay.

MINIMUM
August 5,2007
TALIWAS SA SINASABI NG PAMAHALAAN ANG KASALUKUYANG PAMUMUHAY NG MARAMING PILIPINO, NA UMAANGAT DAW ANG ATING EKONOMIYA. NGUNIT, ALAM NAMAN NG ATING KASALUKUYANG PAMAHALAAN NA HINDI NA SAPAT ANG KINIKITA NG MGA MANGGAGAWANG PILIPINO O YONG SUMASAHOD NG MINIMUM WAGES. PAANO PA ANG MGA PILIPINONG MAS MABABA PA ANG KINIKITA SA TINATAWAG NA MINIMUM WAGES? INAALAM BA NG PAMAHALAAN KUNG TAMA ANG PASAHOD NG MGA KOMPANYA? INAALAM, BA NG PAMAHALAAN KUNG KUMAKAIN PA NG TATLONG BESES SA ISANG ARAW ANG NAKAKARAMING MANGGAGAWA? NAPAKARAMING PILIPINO ANG PATULOY NA NAGHIHIKAHOS SA KAHIRAPAN, PILIT NA PINAGKAKASYA ANG KAKARAMPOT NA KINIKITA. NAPAKASAKIT ISIPIN NA TILA HINDI ITO NARARAMDAMAN NG ATING PAMAHALAAN. DAHIL SA ANG KARAMIHAN SA NAKAUPO AY MAY MGA NEGOSYONG BINIBIGYAN NG PROTEKSYON AT HALOS LAHAT SILA AY MAYAYAMAN NA. KAYAT HANGGANG SA KASALUKUYAN AY HINDI MAIPASA ANG BATAS NA MAGTATAAS SA SAHOD NG MGA MANGGAGAWA. DAHIL SILA MISMO ANG PUMIPIGIL DITO.
ANG PAMAHALAAN AY GINAWA PARA SA MAMAMAYAN NITO, SIGURUHIN NA LIGTAS AT MAGKAROON NG MAAYOS NA PAMUMUHAY ANG BAWAT MAMAMAYAN NITO, NGUNIT TALIWAS DITO ANG KASALUKUYANG SITWASYON. HABANG ANG MGA NAKAUPO AY PATULOY NA YUMAYAMAN, LUGMOK NAMAN SA KAHIRAPAN ANG KARAMIHAN. GAANO KASAKIT SA ISANG MAGULANG NA MAY HINIHINGI ANG IYONG ANAK NGUNIT HINDI MO MAIBIGAY DAHIL TAMA LANG SA PANGKAIN ANG PERANG KINIKITA. MAS MADALAS NGA KULANG PA.
ILANG BATA AT MAGULANG ANG NANGANGARAP NA ISANG ARAW MARANASAN NAMAN NILANG MAKAKAIN SA JOLLIBEE O MC DONALD?
NAKAKALUNGKOT ISIPIN NA HINDI PO NARARAMDAMAN NG MARAMING PILIPINO ANG SINASABING PAG LAGO NG ATING EKONOMIYA, BAGKUS PATULOY ANG MGA MANGGAGAWA SA UTANG NG UTANG, BALE NG BALE UPANG MABUHAY SA ARAW ARAW. KUNG TUNAY LAMANG NA MAGLILINGKOD ANG MGA NAKAUPO AT HINDI ANG MAGLINGKOD SA IILAN, TOTOO AAHON TAYO SA KAHIRAPAN. SANA MAGISING TAYO ISANG ARAW NA HINDI NA NAG AAWAY ANG MGA SENADOR AT MGA CONGRESMAN, BAGKUS SAMA SAMA NILANG GINAGAWA ANG BATAS PARA SA IKABUBUTI NG MGA MANGGAGAWANG PILIPINO.

MUNTING TAHANAN
MUNTING TAHANAN
Sa panahon ngayon, napakahalaga sa isang pamilya na maagkaroon ng sariling tahanan, halos lahat ay nagnanais na magkaroon ng sariling bahay. Kahit maliit lang. kasabihan nga kahit saan basta sarili at hindi na mag uupa pa. Napakaraming pamilya sa ngayon na hindi na makaahon sa pangungupahan, kababayad lang, nag iisip na naman kasi bayaran nanaman sa susunod na buwan, para bang wala ng katapusang problema.
Tulad ng nangyari sa aking mga magulang noong akoy bata pa. Palipat lipat kami ng bahay, madalas hindi namin nababayaran ang upa sa bahay , kaya napapalayas kami. At hindi din nakakaipon ng gamit ang mga magulang ko, sa kadahilanang tama lang sa pangkain at pang upa ng bahay ang kinikita ng aking ama bilang taxi driver.
Kung saan saan kami napapalipat, hindi ko na mabilang, basta ang alam ko lang hindi magaganda ang mga nalilipatan namin, kasi yon lang daw ang kaya ng pera ng mga magulang ko. Marami kaming magkakapatid, at madalas lumalayas ang mga kapatid ko, kasi masyadong masikip para sa aming lahat ang nakukuha naming bahay. Nakikitulog kung kani kanino, pati ako nakikitulog din sa mga kaibigan ko, kasi masikip sa bahay namin.
Sa murang gulang ko noon, nangarap ako na magkaroon ng sariling bahay ang aking pamilya, ang mga magulang ko, saka hindi na lalayas ang mga kapatid ko.
Ang gusto ko, magkasama sama kaming magkakapatid sa iisang bahay na matatawag na amin. Sa gulang ko na 14, naglayas ako, kung saan saan ako napunta, nakita ko ang buhay sa labas na malayo sa magulang. Napakahirap ng buhay na malayo sa pamilya, ngunit sabi ko mabubuhay ako. Napasama ako kung kani kanino, minsan nagugutom ako pero nakakaraos din naman. Basta ang alam ko kaya ako lumalayas kasi hindi maganda sa bahay masikip halos walang matulugan.
Minsan sa pag lalakad ko sa kahabaan ng relis ng tren, lugar ng makati, nakita ko may nagtatayo ng barong barong na bahay sa gilid ng relis ng tren. Nasabi ko sa sarili ko na puede pala yon. Gamit ang mga pinutol na sanga ng mga puno at mga piraso ng yero at lata. Nagtayo ako ng kapirasong bahay sa gilid ng relis ng tren. (1987)
Hindi pa din ako nauwi ng bahay, patuloy akong malayo sa pamilya ko, sumasama ako sa kaibigan kong metroaid o taga walis ng kalsada sa pasay upang makakain, dahil sa gabi maraming nagbibigay sa kanya ng mga pagkain sa palengke ng pasay kung saan sya nagwawalis.
Minsan isang araw na bumabagyo, napilitan akong umuwi sa mga magulang ko, dahil sa hindi kaya ng maliit kong tahanan ang buhos ng ulan. Ngunit labis ang aking pagkabigla sa aking nakita, baha na sa lugar na inuupahan ng mga magulang ko. Ang bahay na inuupahan namin ay lubog na sa baha, at isang dangkal na lamang ay aabot na ang tubig sa kesami nito. Kaya’t noong humupa ang baha, sinabi ko sa aking ina na may bahay na ako at maaari silang tumira doon. Hindi makapaniwala ang mga magulang ko, kaya’t sumama sila sa akin.
At kanilang nakita ang munti kong tahanan, nagtulong tulong kami na ayusin ito, namulot kami ng mga lata lumang yero at mga sako ng bigas bilang dingding. Kaya’t nabuo ang pinaka maganda naming tahanan. Muling umulan, napakaraming tumulong tubig mula sa tagpi tagpi naming bubungan, masaya pa din kami sapagkat ang ulan ay lilipas din. Kasabihan nga may tulo kasi umulan, pag wala na ang ulan, wala na din tulo.
Mula sa maliit na tahanan sa gilid ng relis ng tren, unti unti nakaahon kami, nakakabili na kami ng pakonti konting materials kaya napapaayos namin ito. Habang tumatagal kami sa lugar nagiging maayos ang buhay namin. Dahil sa wala na kaming upang binabayaran. Nakakain na kami ng maayos, bumalik na ang mga kapatid ko magkakasama na kami, at higit sa lahat nakapag aral na ulit ako kami ng aking mga kapatid.
Nasabi ko sa sarili ko, kung sakali ako’y magkaroon ng sariling pamilya at mga anak ayaw ko na danasin nila ang mga naranasan ko, ang hirap na palipat lipat ng bahay, walang maayos na matutulugan, ang malayo sa pamilya.
Taong 2005, kailangan na ayusin ang relis ng tren, at ang lahat ng bahay na malapit o nasa gilid nito ay kailangan ma demolish na. Hindi na naging masakit sa amin, sapagkat matagal na panahon na nakinabang kami sa lugar na iyon, At lahat kaming magkakapatid ay may sarili ng mga pamilya, ang iba ay may roon nang sariling bahay. Maging ako ay maroon nang sariling pamilya at hindi na ako nakatira sa bahay namin sa gilid ng relis ng tren. At ang iba kong kapatid ay malalayo na din kasama ng kani kanilang pamilya.
Napakahalaga po ng tahanan. Sapagkat ito ang nagbubuklod sa atin. Napakasarap sa pakiramdam na mayroon kang uuwian na maayos na tahanan, ito’y kanlungan natin sa mga bagyong dumarating, dito tayo bumubuo ng ating mga pangarap. Sa tahanan, alam nating ligtas ang ating mga mahal sa buhay.
Lahat tayo ay may karapatan na magkaroon ng maayos na tahanan, kung paano?
Jeffrey Sison fuentes

Thursday, September 6, 2007
WILYONARYO MADAYA
Nakakalungkot talaga na ang paborito kung noontime show, ay madaya pala. Kahit anong paliwanag nila, kitang kita ang pandaraya na ginawa nila. Bakit kailangan na may dalawang numero sa kahon? Ibig ba sabihin kong hindi nila gusto na manalo ang maglalaro ng jackpot ay gagawin nila. Maliwanag na nasa control nila kung ibibigay o hindi ang jackpot. kasi kung talagang walang daya dapat isa lang ang numero sa loob ng kahon.
Tulad ng DEAL OR NO DEAL ni cris. Kitang kita na walang daya kasi ikaw mismo ang sasagot kong deal ka na, ika nga ay sarili mong decision kong kukunin mo na ang inaalok sayo.
Eh dito sa dati kong paboritong noontime show, kahit pinili mo na ang kahon, tapos nagkataon na hindi ka nila type na makuha mo ang jackpot, napaka simple lang pala sa kanila na zero ang palabasin sa kahon. Yon nga lang hindi nagwawagi ang mandaraya, nabuking eh.
Sayang talaga, bumaba ang tingin ko sa pamunuan ng abs-cbn. Kasi pinayagan nila na magkaroon nang ganong uri ng pandaraya. Bilang isang mahirap, nangarap din ako na makasali sa wowowee, at magkaroon ng chance na makaahon din sa kahirapan. Pero nasira nila ang paghanga ko sa kanila. Hindi pala totoo ang nakikita ko, pulos palabas lang pala.
Sayang kahit paano sana matatalo na nila ang eat bulaga, kaya ngayon balik ako sa panonood ng eat bulaga. Sayang talaga, sayang. Nakapanlulumo, hindi ko malilimutan na noong nasa kuwait ako, wala akong inaabangan na palabas sa hapon kundi ang wowowee, naiiyak ako sa tuwa pag nanonood ako nito, kahit paano naiibsan ang pangungulila ko sa aking pamilya sa pilipinas noon, naiiyak pa ako sa tuwa tuwing nanonood ako. Sabi ko noon buti nalang may wowowee akong napapanood sa kuwait, nag rerecord pa ako, para pag gabi na ako dumating mapapanood ko pa din. Kasi natutuwa ako sa mga contestant. Sa mga simpleng tao na may mga simpleng pangarap na tulad ko. Sayang talaga.

Wednesday, September 5, 2007
GINTONG MGA KAMAY
GINTO ANG MGA KAMAY , SILAY MANLILILOK NG MAKABAGONG PANAHON. SILA’Y MANGGAGAWA NG MAGAGARANG TAHANAN AT NAGLALAKIHANG MGA GUSALI. ANG KANILANG TALINO SA PAG GAWA AY MAIHAHALINTULAD SA MGA BAYANING ESKULTOR.
KARAMIHAN SA KANILA AY HINDI NAGKAROON NG SAPAT NA ARAL, ANG IBA NGA AY HINDI MAN LANG NAKA TUNTONG NG MABABANG PAARALAN. ANG KAWALAN NILA NG PINAG ARALAN AY HINDI NAGING HADLANG UPANG MAKALIKHA NG MARARANGYANG TAHANAN MAGING NG MGA GUSALING HALOS HUMAHALIK NA SA KALANGITAN. SILA’Y MANGGAGAWANG GINTO ANG MGA KAMAY NGUNIT WALANG MATATAWAG NA TAHANAN.
MADALAS ANG KANILANG TAHANAN AY KUNG SAAN ANG KAPALIGIRAN AY LUGMOK SA KAHIRAPAN, MALAKI NA ANG SAMPUNG METRO KUWADRADO PARA SA BUO NILANG PAMILYA. WALANG SILYA O LAMESANG MAARING KAINAN. TAGPI TAGPING DINGDING BUTAS NA BUBUNGAN NI MAAYOS NA PALIKURAN AY WALA. KARAMIHAN SA KANILA AY NASA SQUATERS AREA, KUNDI MAN AY NASA ILALIM NG MGA TULAY KUNG SAAN MAARING MANIRAHAN.
SA TUWING AKO’Y NAKAKAKITA NG MAGAGANDANG BAHAY O GUSALI HINDI KO MAIWASANG HUMANGA SA KAMAY NG MGA TAONG NAGTAYO NITO. TUNAY NA HINDI MATATAWARAN ANG GALING NG KANILANG MGA KAMAY SA GANDA NG PAGKAKAYARI. KASABAY ANG LUNGKOT SA AKING DIBDIB. DAHIL MARAMI AKONG KILALANG CONSTRUCTION WORKERS, ANG KANILANG TIRAHAN AY HINDI MATATAWAG NA TAHANAN. SAPAGKAT ANG KANILANG KINIKITA AY KULANG PA SA PANG ARAW ARAW NA PAGKAIN, ANG KANILANG MGA ANAK AY HINDI NAKAKAPAG ARAL, KAPAG NAGKAKASAKIT AY HINDI MAN LANG MADALA SA DOCTOR O MAIBILI NG GAMOT.
SAPAGKAT ANG KARAMIHAN SA KANILA AY KUMIKITA NG MABABA PA SA MINIMUM WAGES. SA KABILA NA NAPAKA DELIKADO NG KANILANG MGA TRABAHO. DITO SA PILIPINAS, SILA’Y TINATAWAG NA MABABANG URI NG MGA MANGGAGAWA. PAG SINABING CONSTRUCTION WORKER KA. IBIG SABIHIN MAHIRAP KA PA SA DAGA. KAYA’T ANG IBA AY IKINAHIHIYA ANG TRABAHONG CONSTRUCTION. DAHIL TRABAHO DAW ITO NG MGA WALANG PINAG ARALAN.
SA SARILI KONG PANANAW, ITO AY TRABAHONG MARANGAL AT HIGIT SA LAHAT DAPAT NA IPAG MALAKI, SAPAGKAT NAKAKATABA NG PUSO NA ANG IYONG LIKHA AY TATAYO SA MAHABANG PANAHON AT MAKIKITA NG ILANG SALING LAHI.

ATE PAMS
FEBRUARY 10,1994
WALA NANG HIHIGIT PANG IBUBUNGANG MABUTI SA TAO ANG
MAGING MAPAGKUMBABA AT ANG UMAMIN KUNG ANO MANG
KAHINAAN MAYROON TAYO, UPANG MAITANGGI ANG SARILI
SA PAGKAKASALA KAYSA MAGING PALALO AT
HAMBOG SA DIOS NA LUMALANG SA ATING LAHAT.
Sinulat ni PAMELA RICO para kay JEFFREY
Sa kanyang kaarawan. Si PAMELA RICO ay
Namatay noong 2003 sa pakikipaglaban sa Sakit sa KIDNEY

TAGALOG POEM
DAHIL SA PAG-MAMAHAL KO SA ISANG TAO NA AKING
ITINATANGI. HINDI KO NAMALAYAN ANG AKING PAG-KAHULOG SA
ISANG BALON NA MALALIM, AT HABANG AKO’Y BUMUBULOSUK
PAIBABA, NAKITA KO ANG MGA TAONG TUNAY AT TAPAT NA
NAG-MAMAHAL SA AKIN.
KUNG ANO AKO NGAYON, KUNG ANO ANG NANGYAYARI
SA AKIN NGAYON. ITO ANG BUNGA NG MGA DESISYON KO KAHAPON
SADYA BANG NILIKHA ANG TAO NA HINDI BATID ANG BUKAS.
KUNG MAIBABALIK KO LANG ANG PANAHON, ITATAMA KO ANG MGA
MALING AKING NAGAWA.
ANG TAONG MAY MABIGAT NA SULIRANIN, KUNG PAPIPILIIN
SYA, MAS NANAISIN NITO ANG MAMATAY NG ISANG BESES KAHIT NA
MASAKIT. HUWAG LAMANG ANG MABUHAY NA KASAMA ANG
MASASAKIT AT MAPAPAIT NA ALAALANG INIWAN NANG NAGDAANG
KAHAPON. DAHIL SA BAWAT ORAS AT MINUTONG SUMASAGI ITO
SA KANYANG ISIPAN, PARA NA RIN SIYANG NAMAMATAY NG PA ULIT
ULIT.
KAPAG NAG MAHAL ANG ISANG TAO. DAPAT ANG PAG-MAMAHAL NA
KANYANG IBIBIGAY AY HINDI HIHIGIT SA PAG-MAMAHAL NIYA SA
KANYANG SARILI. UPANG KUNG LUMISAN MAN ANG KANYANG
MINAMAHAL, HINDI NITO MAISASAMA NG BUO ANG KANYANG PUSO.

DIGMAAN NG BUHAY
Ang buhay ay punong puno ng pakikipaglaban, may darating na problema. Hindi pa man naaayos ang nauna, may kasunod nanaman. Minsan parang wala ng katapusan, ganun ba talaga ang buhay? Laging kailangan mong lumaban, minsan pakiramdam ko parang suko na ako, pero lagi ko ding naiisip na ilang beses ko na bang sinabi na suko na ako? ayaw ko na. maraming maraming beses na pala, pero ito parin ako patuloy na lumalaban sa takbo ng buhay. Madalas napapagod na din ako, pero pinipilit kong tumayo upang muling lumaban.
Hindi ko na mabilang kung ilang digmaan na ng buhay ang pinag daanan ko, ang alam ko lang madalas akong madapa, nasasaktan. Lagi akong nagtatanong ano pa ba ang dapat kong gawin upang akoy magtagumpay? Madalas may bumubulong sa akin, lumaban ka lang ng lumaban at wag kang susuko. Pero aaminin ko, natatakot din ako, marami akong kinatatakutan, takot akong mag isa, takot akong lumaban mag isa. Marami akong gustong subukan pero, pag sinimulan ko na madalas hindi ko naman natatapos, wala akong natatapos sa mga sinimulan ko. Kaya siguro hindi ako nagtatagumpay, madalas umuurong ako.
Pag nakikita ko ang maraming tao, iniisip ko, siguro marami din silang problema hindi ko lang alam kong mas magaan o mas mabigat kisa sa problema ko. At hindi ko din alam kong paano sila lumaban. Ang alam ko sa ngayon kailangan patuloy akong lalaban dahil sa mga mahal ko sa buhay. Kahit patuloy akong masaktan o mabigo, lalaban ako sa takbo ng buhay hanggang sa ako’y magtagumpay.
" Ito ay damdamin ng bawat isa sa atin. Ang lahat ay may dahilan para mabuhay at magpatuloy ng buhay ". Hindi sa lahat ng panahon ay nabibigo tayo. Madami din naman biyaya na dumarating sa atin, hindi lang natin nakikita o pinapansin, kasi masyado tayong busy sa takbo ng buhay natin sa ngayon.
ANG GANDA NG BUHAY
Lahat tayo ay nangangarap ng magandang buhay, at maayos na pamilya. Ang makapag-aral ang ating mga anak sa maayos na paaralan. Ang makakain ng tatlong beses sa isang araw. Ngunit ilan lamang sa atin ang nakakaranas ng lahat ng ito, karamihan ay naghihikahos sa hirap ng buhay sapagkat hindi sapat ang kinikita sa bawat araw.
Kasabihan, kung ano daw ang ating dinaranas sa kasalukuyan ay tayo din ang dahilan kung ano tayo ngayon. Ang ibig pong sabihin kung kaya ng iba kaya din ng bawat isa sa atin na makaahon sa kahirapan. Ngunit marami din sa atin ang takot sa tunay na kalagayan ng buhay, mas madalas pa nga ang magreklamo kaysa ang gumawa kung ano ang dapat. Masasabi ko na walang karapatan magreklamo ang wala naman ginagawa upang makaahon sa kanyang kinalalagyan. Simple lang naman ang aking pangarap, ang magkaroon ng sapat na liwanag ang kubong aking tinitirhan, ang mapayapang gabi na may ngiti sa aking mga labi. Na sya ring pangarap ko sa bawat isa sa atin. Ayokong dumating ang panahon na hihiga tayo na ang inuunan ay himutok at mga buntong hininga. Tayo ang gumagawa ng ating kapalaran, binigyan tayo ng sariling isip upang gamitin sa mga tamang decision sa pang araw araw na pamumuhay.
Kung ano tayo ngayon, yon ang bunga ng mga decision natin kahapon, kayat wala tayong karapatan na isisi sa iba kung ano ang kalagayan natin sa ngayon.
May mga oras na nagkakamali tayo, ngunit laging may pagkakataon upang maitama ito. Ngunit madalas natatakot tayong harapin at ayusin ang mga pagkakamaling ito. Madalas tinatakasan natin ang mga problema imbes na harapin ito. Ang hindi natin alam, habang tumatagal lumalaki ito ng lumalaki. Hanggang sa hindi na natin ito makayanan at sumuko na tayo.
Madalas nalilimutan na natin kung ano ang kaya nating gawin, nauunahan tayo ng takot, lahat tayo ay may tapang at lakas ng loob na harapin ang mga suliranin sa ating buhay. Kailangan nating lumaban palagi, hindi na para sa mga sarili natin, para nalang sa mga taong umaasa sa atin sa mga nagmamahal sa atin. Isipin natin na pag sumuko tayo para narin nating isinuko ang mga mahal natin sa buhay. Lahat ng tao ay nakakaranas ng mga problema, ang kailangan ay harapin natin ito, lagi nating ipagpasalamat na ito lang ang binigay sa atin. Dahil maraming tao na may mas mabigat na problema kisa sa atin. Lumingon ka lang sa paligid, hindi mo na kailangang lumayo. Sasabihin mo, MASWERTE PARIN AKO.

KUNG HINDI NGAYON KILAN PA?
Sa mga dinaranas nating kahirapan sa ngayon, patuloy na bumababa ang halaga ng ating kinikita, at ang mga bilihin ay pataas ng pataas. Halos hindi na tayo makaagapay sa uri ng pamumuhay sa ngayon. At lahat tayo ay naghahangad ng pagbabago.
Ngunit ang lagi nating katanungan. Kanino ba dapat na magsimula ang pagbabago?
Lagi nating sinasabi na dapat sa nasa itaas, dapat sa mga nanunungkulan. Kasi sila ang nasa position para mag desisyon.
Kailangan ba na ang mga tamang desisyon ay galing lang sa mga taong magaganda ang bihis? Sa mga nasa position at mga naka pag-aral? Madalas sila na lamang ang laging pinakikinggan at batas na ating sinusunod kung ano ang kanilang naisin. Iniaasa natin sa kanila ang lahat, maging ang takbo ng buhay ng ating mga pamilya. Ngunit, hindi ba natin naiisip na parang napakatagal ng panahon papunta sa hinahangad nating pag babago kung iaasa lang natin ito sa kanila?
Hindi kailangan na maganda ang bihis mo o naka pag-aral ka upang mag desisyon ng tama at mali. Ang kailangan mo ay lakas ng loob upang gisingin ang mga natutulog. Huwag natin hintayin ang panahon na isisi sa atin ng ating mga anak ang kanilang kahirapan, sapagkat hindi natin ito naipaglaban noon.
Dahil iniasa lang din natin sa iba kung ano ang ating magiging kapalaran. Hindi ibang tao ang nagtatakda ng ating kapalaran, hindi pa ito naisulat ninuman. Ikaw mismo ang susi kung ano ka sa darating na panahon, wala kang dapat na sisihin. Kung dumaranas ka ng mga kahirapan sa buhay, dahil ito ang pinili mo.
Nilikha ng diyos ang tao na may kalayaang pumili ng makasasama at makabubuti sa kanyang pamumuhay. At may karapatang ipaglaban ang kinabukasan ng kanyang pamilya.
Kung hindi ngayon, kaylan pa?
By: JEFFREY SISON FUENTES

OO BA O HINDI
OO BA O HINDI?
Paano ba makikilala ang isang tao, kailangan ba na makasama natin ito ng matagal? Kailangan ba na maipakilala ito sa atin ng mga taong malapit sa atin? Maraming paraan upang makilala nating maigi ang isang tao napakaraming paraan upang magawa natin ito.
Ngunit sa akin ay napakasimple lang upang lubos na makilala ang isang tao. Sa pamamagitan ng pag sagot niya ng oo at hindi. Opo sa pamamagitan ng pag sagot ng oo at hindi lubos na makikilala ang isang tao. Naranasan mo na ba ang pangakuan ng isang tao at hindi naman tinupad? Siguro maraming beses na. hindi ba masakit? Ang una nating nararamdaman ay pagkainis at nadadala tayo sa taong nangako sa atin. At higit sa lahat nasira na sa ating pagtitiwala ang taong ito. Sapagkat sinabi niyang oo ngunit hindi naman tinupad.
Marami sa atin ang umaasang kapag sinabing oo madalas na inaasahan na natin ito. Kaya’t masakit sa atin kapag hindi ito tinupad. Mas maige pa ang nagsasabi ng hindi sapagkat hindi na tayo umaasa pa.
Nasubukan mo na ba ang magsabi ng oo sa dalawa o higit pa sa iisang araw? Hindi ba minsan nalilito na tayo kung sino ang uunahin at kong sino ang unang pupuntahan para tuparin ang oong ipinangako. Napakahirap ng mga ganitong sitwasyon ngunit marami parin ang dumaranas ng mga ganitong problema. Dahil ito sa pagsagot ng oo at hindi kaya minsan tayo mismo ay nasisira sa ating mga kaibigan at mga mahal sa buhay. Walang masama sa pagsasabi ng oo ngunit may kasunod itong responsabilidad sa sinabihan nito.
Nakataya dito ang iyong pagkatao kung ano ka sa kapwa mo. Napakahalaga ng pagsasabi ng oo at hindi.
JEFFREY FUENTES

HAPPY WORK
Paano ba natin na magagawang tama ang mga bagay na lagi nating ginagawa? Madalas ito ang lagi nating katanungan kapag tayo ay nagkakamali. Ang mga bagay na madalas nating ginagawa o araw-araw nating hinaharap ay hindi pa natin magawa ng maayos sa kabila na ito naman talaga ang trabaho natin.
Maraming tao ang nagtatanong kung bakit nakakaramdam ng pag kabugnot sa kanilang trabaho. Hindi naman talaga ang trabaho o ang mga kasamahan ang problema kundi ang ating mga sarili mismo. Maraming problema ang dumarating sa atin. Ngunit kung ating susuriing mabuti ay tayo din naman ang nagsimula, hindi ang trabaho o ang ibang tao. Pero ang madalas nating nasisisi ay ang trabaho at ang mga nasa paligid natin.
Kapag ang mga personal nating suliranin ay nadala natin sa trabaho madalas na tayong magkamali sa ating ginagawa, maging ang ating mga kasamahan sa trabaho ay nadadamay. Nagsisimula tayong mainis kahit sa mga simpleng bagay.
Kasunod nito ay nakakaramdam na tayo ng pag kabugnot, hindi na tayo masaya sa ating ginagawa, maging ang mga kasamahan sa trabaho ay hindi na din makasundo. Nagsisimula ka nang masira kasi hindi ka na masaya sa ginagawa mo.
Napakahalaga sa isang tao na masaya siya sa kanyang ginagawa, dahil kasunod nito ay ang isang maayos na trabaho at masayang kapaligiran at higit sa lahat kasundo pa ang kasamahan sa trabaho.
Upang maging epektibo sa ating pang araw-araw na Gawain lagi nating itanong sa ating sarili kung masaya ka pa ba? Dahil kung hindi na, kailangan mo na itong iwanan at humanap ng talagang nauukol sayo. Kapag nanatili kapa sa lugar kung saan hindi kana masaya, mag sisimula kang masira. Hindi lang sa trabaho mo maging sa mga kasamahan sa trabaho.
Maraming tao ang tumatagal sa kani kanilang mga trabaho, hindi dahil malaki ang kanilang kinikita dito. Ang sekreto, masaya lang sila. Pangalawa nalang ang pera ang mahalaga nag e enjoy ka sa ginagawa mo.
Lagi nating tandaan na ang taong masayahin ay nilalapitan ng magagandang bagay higit sa lahat ng mga kaibigan.

kapuso
Lubhang napakahirap sumulat ng isang liham kung ito ay hindi bukal sa iyong kalooban. Dahil sa lahat ng sulat na aking ginawa, kasama sa pag likha ko nito ay ang aking puso. Kung saan dinadama ko ang bawat katagang inilalagay ko dito. Sapagkat ako’y naniniwala na sa sulat na gawa mula sa puso. Maging ang mga babasa nito ay higit na mauunawaan kung ano ang nais na ipahiwatig ng sumulat. Dahil sa madadama nito ang katotohanan sa likod nito. Ngunit ang liham na walang puso ay maihahalintulad lamang sa isang kampanang umaalingaw-ngaw ngunit walang laman.
Ganoon din pag tumulong ka sa iyong kapwa, dapat bukal ito sa iyong kalooban at nagmumula sa puso nang sa gayon madali mo itong magagawa.
Tama ang kasabihan na nilikha ng diyos ang tao na hindi katulad nya na kayang baguhin ang lahat. Maging ang mga imposibling bagay sa mundo. Ngunit ako’y
naniniwala na sapat ang talinong ibinigay ng diyos sa lahat ng tao upang piliin kung ano ang tama at mali; ang mag lingkod sa kapwa; at gumawa ng mga kabutihan.
Hindi mo kailangan maging diyos muna upang makatulong ka sa iyong kapwa, lahat tayo ay may takot sa diyos. At lahat tayo ay nag nanais na makapaglingkod sa kanya. Ngunit marami din ang hindi alam kung paano. Ang konti kong nalalaman ng pag-lilingkod sa dios ay simple lang. Ang makinig sa mga taong nababagabag ang kalooban dahil sa mga suliranin. Hindi ko man masolusyunan ang kanilang problema, sapat na ang konting talinong binigay ng diyos sa akin upang makabawas man lang sa suliranin ng taong lumalapit sa akin. Dahil hindi nga ako diyos upang sa isang iglap ay mabago ang mali at mailagay sa tama.
Dahil sa mga taong may hinanakit at mga pagdaramdam, ang makinig ka lamang sa kanila ay malaking tulong na. Minsan naman hindi kailangan ng solusyon, ang kailangan ay taong may puso at handang makinig sa kanyang kapwa.
Ang alam kong ikinalulungkot ng diyos ay ang mga klase ng tao na alam kung ano ang tama at mali, ngunit patuloy na nagbubulag-bulagan sa katotohanan at patuloy na nagbibingi-bingihan sa hinaing ng kanyang kapwa.
Ang buhay po ng tao sa mundo ay hindi binibilang ng diyos sa haba ng inilagi niya dito. Ako po ay naniniwala na ang tanging binibilang ng diyos ay ang mga kabutihang ginawa mo para sa iyong kapwa habang ikaw ay nandito pa sa mundo.
Ang buhay po ay puno ng pakikipaglaban, kung gusto mo may mangyari sa iyong mga ninanais, kailangan mo itong simulan ng walang anumang pag-aalinlangan. At ang lahat ng nagtagumpay sa digmaan ay mayroong isinakripisyo. At hindi po patag ang daan papunta sa pangarap na tagumpay, mas mahirap ang mga daan kesa sa inaasahan mo.
Kung sakaling malagpasan mo ang isang pagsubok, kailangan mo uling maghanda para sa isang mas mabigat pa na darating. Ngunit gawin mong tuntungan ang mga naunang pagsubok upang maging mas matatag kang harapin ang mga darating pa.
Maraming nagnanais ng pagbabago ngunit hindi nila alam kung paano simulan, at kung ano ang mga dapat gawin. Maraming katanungan , maraming pag-aalinlangan at mga takot. Ang pagbabago po ay nagsisimula mismo sa ating mga sarili. Huwag po tayo umasa na may biyayang darating kung ang tangi nating ginagawa ay ang magreklamo na lamang. Napakasarap po tumanggap ng mga biyayang iyong pinag pawisan at ipinaglaban.
Napaka halaga ng bawat panahon na nagdaraan, katumbas nito’y ginto at hindi dapat sayangin. Ang karugtong nito’y ang hininga natin; kung ito’y hindi natin bibigyan ng pansin, darating ang araw gigising ka na isang alipin.
By : JEFFREY SISON FUENTES

Subscribe to:
Posts (Atom)