Nakakatawa talaga ang mga politico. Away sila ng away. Panay ang banat sa mga naka upo, na mga kawatan daw. At ang mga nakaupo panay naman ang salag sa mga banat sa kanila, eh pare pareho naman sila na mga politico. Sino ba naman ang politico na hindi nangurakot o di kaya pinaboran ang sariling negosyo habang nasa pwesto? Lahat naman yan iisa ang hangarin, ang makapag lingkod daw sa taong bayan. Pero pag naka upo na, hindi na ganun. Ang nasa isip na kung paano kikita sa mga proyekto ng gobyerno. wala po kayong pagkakaiba, pare parehas kayo ng mga ugali. kaya dapat manahimik nalang kayo. At mag trabaho. ibig kung sabihin, gayahin nalang ninyo so robinhood, habang nag nanakaw namamahagi naman sa mahihirap, in short huwag po ninyong sulohin ang mga ninanakaw nyo.
Tutal hindi na naman maiaalis sa bayan natin ang ganitong uri ng pag uugali ng mga politico, kumbaga sige nalang, kahit sino naman ang nakaupo ganun din naman ang gagawin. Sinong sira ang ulo ang maniniwala na maglilingkod ka sa taong bayan at sa bayan kung ang ginastos mo para makaupo ay billion billion na? Pano ka malilingkod kung ang nasa isip mo ay kung paano mo babawiin ang lahat ng nagastos mo pati tubo? Paano ka maglilingkod kung panay ang paniningil sayo ng mga nakatulong para marating mo ang upoan na yan? Palagay ko hanggang sa matapos mo ang term, malamang hindi ka pa din bayad sa mga pinag kakautangan mo ng loob dahil sa pwesto na yan. Paano ka maglilingkod ng tapat?
Kaya sige nalang, Nakakaumay kasi, panay ang banatan sa media, parang pasikat lang ba at kumukuha ng attention kasi malapit na ang election nanaman. Pero mas lamang nga lang ang nakaupo kasi mas marami na silang naiponng puhunan para paboran ang kanilang mga manok, pero ika nga weather weather lang yan. Kahit nga sa barangay election lang million million na ang lumalabas pag election, at sino ba sa palagay natin ang gumagastus? Syempre may puhunan din dyan ang malalaking politician, na pinadadaan sa mga mayor upang masiguro ang panalo ng kanilang manok sa barangay election.
Kaya itigil na natin, huwag na tayong maniwala sa mga yan, pare parehas lang ang mga yan. Nakakapagod na ang maniwala sa kanila, kapag kampanya lahat ng drama gagawin nila para makuha nila ang ating matatamis na yes. Pero pag nakaupo na, wala na, parang nagkaroon na ng amnesia. At magugulat nalang tayo, lalo pa silang yumaman. Ang election kasi dito sa atin ay itinuturing na isang malaking negosyo, mamuhunan ka ng mas malaki, malaki din ang kikitain mo. Kasi sino ba naman ang sira ulo ng pera mo na ilalabas mo pa na alam mo namang magkano lang ang sweldo ng isang politico. Kahit pinaka magaling na accountant. Hindi kayang kwentahin kung pano mababawi ng isang politico ang billion billion na ginastus nya sa election. Hindi po talaga mababawi kung hind magnanakaw sa kaban ng bayan, subra talaga. yon lang po. hay buhay nga naman. Isang eksena sa pelikula ni juan tamad ang hindi ko talag malimutan. " Sabi ng Ama ng babae " Juan tamad, binabalaan kita, ayaw na ayaw ko na liligawan mo ang anak ko," Sumagot ang anak na babae " eh itay, wala naman pong ginagawang masama si juan " Sumagot ang ama " Yon nga anak, " Pano kayo aasenso kung wala syang ginagawang masama " ay sus ka indo. Kaya naman pala.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment