Sunday, August 9, 2009

MAR ROXAS TV AD

Sa tuwing nanonood ako ng tv, madalas na sumisingit ang mga tv ad ng mga politico, at hindi ko maiwasan ang mainis talaga. Kasi napakatagal pa ng election, pero sangkatutak na pera na ang lumalabas sa kanila, at patuloy na ginagastos.

Bukod sa naiinis ako, hindi ko maiwasan na mag isip ng hindi maganda. Sa kadahilanang daang million ang kanilang ginagastus, kaya ba nila mabawi yon sa loob ng 6 na taon kung sakali na manalo sila? Ang sa akin, kung talagang gusto nila makatulong sa mga mahihirap, bakit hindi nalang nila itulong mismo sa mga talagang mahihirap ang perang kanilang nilulustay sa pag babayad sa mga tv network. At pagbabayad sa mga artista sa kanilang mga commercial para mag panggap na mahihirap. Nakakalungkot na ang paraan nila para lang sila makilala ay ang magpakita sa tv na sila ay makamahirap. Sabagay marami pa din sa mga pilipino ang nadadaan lang sa mga matatamis na salita ng mga politiko. ngunit ako ay naniniwala na marami na din naman bomoboto ayon sa kanilang kunsensya at paniniwala.

Ang isa sa kinaiinisan ko na commercial ay itong kay sen. mar roxas, Sana lang itigil na nya ang ganun na klase ng tv ad. Hindi po tanga ang lahat ng manonood ng tv. Pero natuwa din naman ako dahil itinigil na nya ang padyak tv ad nya. Talaga pong makakatipid tayo ng energy at mababawasan ang importation natin ng langis kung tayong lahat at papadyak nalang. Pero parang hindi ito ang tinutumbok ng kanyang tv ad. Natuwa ako at itinigil na din yon, pero pinalitan naman ng isa pang nakakainis na commercial nanaman, mga artistang ginawang malungkot ang mga mukha, at sinasabi na si mar roxas lang ang nakinig sa kanila.

Gusto kong sisihin ang adviser ni mar roxas sa kanyang mga commercial, sana lang huwag naman ang ganun uri ng tv ad na binubuhat ang sariling bangko. Ang kailangan ng mga tao ngayon ay agarang tulong. Dahil sa kahirapan ng buhay, tulad ko. lagi kaming kapos sa budget, 3 ang anak ko na nag aaral, sa public school na nga lang ang dami pa din binabayaran. Sa simula lang walang singilan pero pag nag umpisa na ang klase ito na ang sangkatutak na gastusan. hay buhay. Sa construction ako nag wo work at ramdam na ramdam ko ang hirap ng mga trabahador sa construction. Tapos pag dating mo sa bahay para mag relaks man lang, tapos ito pa na klase ng mga commercial ang mapapanood mo. Hay buhay.

No comments: