Sunday, August 9, 2009

MANNY VILLAR TV AD

Ang tv commercial naman ni sen. manny villar ang tingnan natin. Nong una medyo natutuwa ako sa commercial ni manny villar, dahil ipinakikita dito ang mga taong natulungan nya, at totoo naman. Pero sa tagal ng tinatakbo nito sa tv ad. Kung susumahin mo, dapat na magbayad pa sya sa mga taong tinulungan nya, sa kadahilanang ginamit nya din ang mga ito sa kanyang ambisyon na maging presidente. Sa paulit ulit na pag labas sa tv sa radio sa mga babasahin. Aba dapat bukod sa tulong na kanyang ibinigay ay may talent fee pa ang mga ito. Kung ilang beses ba naman lumalabas sa tv sa maghapon ang mga ito. Lalong lalo na ang nakakaumay na " lumabas ang buwa ko " Nong una nakakaawa, pero nong lumaon nakakainis na din, Tinatanong na nga ng mga anak ko kung ano ang buwa? hindi ko din naman masagot ng maayos kasi hindi ko din naman masyadong alam kung ano ba ang buwa, at bakit lumabas o lumalabas.

Ok lang sana na mabalita na nakatulong, yong isang beses kasi na lumabas ka sa tv na ang ibabalita may sinalubong si manny villar sa airport na mga tinulungan nya, malaki ang impact nito sa tao, kasi nakakatuwa na bukod sa goverment, meron pang tumutulong na iba. Pero ang gamitin mo ang mga taong tinulungan mo, at gawin itong commercial sa tv para sa ambisyong personal, parang hindi po maganda. Minsan pag tumulong ka ng tahimik mas marami ang makakaalam nito, dahil ginawa mo ito ng walang hinihintay na kapalit. Pero ang tumulong ka dahil may binabalak ka pala na gamitin ito. sa ganang akin ay hindi po nakakatuwa.

Kung ang inyong million million na ginagastus sa mga commercial ay inyong ginagamit para direktang makatulong sa mga mahihirap, siguro po mas marami ang masisiyahan at magnanais na manalo kayo sa anumang pwesto na inyong nanaisin. Napakarami pong paraan ng pagtulong ang isang simpleng medical mission sa mga barangay kung saan matatagpuan ang mga mahihirap.

Pero kung ako si sen manny villar, uunahin ko ang mga construction worker ng kanyang mga contractors, dahil ito ay nasa kanyang bakuran na. Ang kalunos lunos na kalagayan ng mga construction workers ng crownasia, ng brittany ng camella. Bagamat trabahador ang mga ito ng kanyang mga private contractors. Siguro maganda na mag simula syang dito tumulong. Dahil sa kasalukuyang kalagayan ng mga ito, pakiwari ko kahit isang boto ay hindi makakakuha si sen. manny villar sa mga taong ito. Ngunit hindi pa naman huli ang lahat. Malayo pa naman ang election, sana lang maalala nya ang maliliit na taong ito. May kasabihan nga, kung gusto mo tumulong, hindi mo na kailangan na tumingin sa malayo, luminga ka lang sa tabi tabi, baka nandyan lang ang mas nangangailangan ng tulong mo.

Nakakahingi nga sya sa mga contractors nya ng daang daang libo bawat contractor nya, para ipamigay nya sa mga nagnanais na mag negosyo ngunit walang sapat na puhunan. At nagamit pa nya sa commercial. Sana sa susunod hilingin naman nya sa mga contractor na ayusin ang buhay ng mga construction workers. Upang maipagmalaki naman ng mga ito na sila ay nag tratrabaho sa mga bahay na itinatayo ni manny villar. Na sana pagdating ng araw ipagmalaki ko sa mga anak ko, gumanda ang buhay namin at ng iba pang construction workers, dahil bahay ng crownasia, brittany at camella ang ginagawa namin.

No comments: