Wednesday, September 16, 2009

CONSTRUCTION WORKER




Madalas pag nakakakita tayo ng magagandang bahay, ang nasa isip natin ay mayaman ang may ari, Galing ibang bansa, maganda ang trabaho dito sa atin o di kaya magnanakaw sa gobyerno. Pero nalilimutan natin na alamin kung sino ang gumawa. Pero sa akin ay nakatutuwang isipin na ang karamihan ng bahay ay gawa o yari ng mga taong hindi halos nakapag aral, ngunit hindi naging hadlang ang kakulangan sa kaalaman upang makabuo ng pag kakagagandang bahay, oo nga't may mga engr na nagtuturo, nakamamangha padin na nasusunod nila kung ano ang nais nating palabasin na magiging itsura ng bahay.
Kaya labis ako na humahanga sa kakayahan ng mga taong ito. Minsan naiisip ko na maswerte ako dahil nag uutos lang sa kanila ang trabaho ko, pero minsan naman naiinggit ako kasi magaling ang kanilang mga kamay. Hindi ko na tuloy maintindihan ang sarili ko.
Ngunit dito sa pilipinas kung sino pa ang tinatawag na skilled workers ay sya pa ang mababa ang tingin ng lipunan, pati sweldo mababa din, laging wala sa minimum wages pati mga benepisyo ay wala din. Labis ang aking kalungkutan pag nakikita ko ang mga tauhan ko na kinakapos sila sa pang araw-araw nilang gastusin, pero hindi ko maaring ipakita sa kanila na apektado ako sa kanilang kasalukuyang kalagayan. Paano magkakasya ang halagang 250 per day kung may asawa ka, 3 ang anak at nag uupa pa ng bahay? eh halos wala ng natitira sa kanila pag dating ng sweldo sa kadahilanang kinakaltas na ang mga nakuha nila sa canteen ng construction.
Wala akong magawa sa kalagayan nila dahil trabahador lang din naman ako, at hindi ko maipadama sa kanila na ramdam ko sila, ( ala mar roxas ) Kaya sana mapansin ng govyerno ang kalagayan ng mga construction workers. Lalong lalo na ni Sen. Manny Villar kasi sya ang may pinaka maraming contractor ng bahay. Taasan nya ang bayad sa mga contractor nya ng taasan din naman ng mga contractor ang sweldo ng mga trabahador. Sana lang mangyari at hindi ibulsa ng mga contractor.
Para naman maka ahon sa lugmok ng kahirapan ang mga construction workers. sana.



1 comment:

Unknown said...

Good evening sir Jeffrey Sison Fuentes Ang ganda na hangarin mo sa mga kababayan natin construction worker. Habang ako nag iiscrol ng google nakita ko itong blog mo. King gusto mo gawan ko ng video at ipakabas ko say channel ko sa YouTube. Aaron TV