Saturday, October 31, 2009

THE FORT

Noong October 22,2009. naimbitahan ako ng aking boss na manood ng isang dinner concert sa NBC TENT sa The Fort Tagiug City. Ito isang concert kung saan si Sen. Manny Villar ang organizer. Sa kabila na ang halaga ng bawat tiket ay tumataginting na P25,000.00 bawat isa, ay nag uumapaw sa tao ang NBC TENT. Lahat ng table ay puno talaga. Politico, mga senador government secretary mga negosyante, kasama na ang aking boss na bumili ng 4 na tiket para sa amin, worth 100,000.00

Pag lapit palang namin sa table medyo nailang na ako, sapagkat lahat yata ng mga bigating construction contractors ay makakasama namin sa table. Bagama,t ako’y kilala nila ay hindi naman nila ako nakikita sa personal ng madalas.Parang hindi ako nababagay sa lugar. Ngunit dahil nandon ang boss ko at mahal ang binayaran kailangan ko na mag tiis sa lugar h ha ha ha ha. Sa totoo lang ay labag sa loob ko ang pumunta, nahiya lang talaga ako sa boss ko, bihira nya akong nakakasama, dahil pareho kaming busy talaga.

At higit sa lahat hindi ako masyadong bilib kay Manny Villar, Kahit na medyo matagal ang kainan, nag enjoy nalang ako na upakan ang prutas sa gitna ng malaking bilog na table na noong una ay inakala ko na mga plastic dahil sa ganda ng pagkakaayos nito at walang gumagalaw sa mga kasama namin sa table, kaya naitanong ko sa kasama naming senior engr. Jun bunaventura, kung plastic ba yong mga prutas? At bawal ba kainin? Kasi sa halagang 25,000.00 bawat tao, baka puede na ma takehome pati ang mga plate, kutsara, at tinidor ha ha ha ha ha ha ha. Kaya noong malaman ko na hindi naman pala plastic, inumpisahan ko na lapangin ang mga prutas. Ha haha hahaha. Yong ibang table parang buong buo padin ang mga prutas, naiisip ko parang gusto ko lumipat ng table.

Anyway, ang mga host ay ang paborito ko na si jhon santos at si ms. Valerie conception ng wowowe. Nag enjoy talaga ako sa mga champion singer, hindi ko matandaan ang iba pero magagaling talaga sila, siguro mahal ang bayad sa kanila. At ang champion sa lahat ay si jed madela, na talagang makakalimot ka sa sarili mo sa galing nyang kumanta. In short mahal ko na sya ha ha ha ha ha ha ha. Mabuti nalang sumama ako. Dahil ngayon ko lang nakita at narinig si jed madela ng live. Talagang may karapatan syang tawaging champion. Kayang kaya nya ang mga song nina Sharon cuneta, nakanta nya ng maayos ang bituing walang ningning.,at marami pang kantang pam babae, bading ba sya? Noong patapos na ang concert umakyat si villar ng stage, sinasabi ko na, malayo nanaman sa katotohanan ang pangarap nya kung sakali na sya ang mananalong president nang ating bansa. Gusto nya lahat ng Pilipino mag negosyo para makaahon sa kahirapan. Paano ang mga hindi halos nakapag aral? Magiging street vendor na hinahabol ng MMDA araw araw, hindi ba dapat ay education ang unahin ng isang bansang naghihirap? Maayos na education ang kailangan natin, kasi kung marunong ka, gagawa ka ng paraan upang makaahon sa kahirapan, kahit walang tulong ng iba. Pangalawa birth control education sa mga mahihirap na mamamayan. Karamihan sa bansang mayayaman kunti lang ang kanilang mga anak. Hindi katulad natin na hindi na malaman kung saan kukuha ng kakainin sa dami ng anak.

Bigyan ng incentive sa tax pag kunti lang ang anak Alam naman ng mga politico kung saan nag uugat ang lahirapan, ito ay dahil sa lumalaking dami ng tao sa ating bansa at lomolobo pa ito. Ito ay isang maliwanag sa suliranin ng bansang ito, Halos wala ng matirhan ang mga tao, pati gilid ng mga ilog at ilalim mismo ng mga tulay may mga bahay na nakabitin. Lubhang napakadelikado na ng mga lugar na tinitirhan ng mga tao dahil sa pag dami. Kung may sapat na education sa mga kanayunan marahil ay hindi na susubok na pumunta pa sa lungsod ang mga mahihirap sa probinsya. Napakalawak pa naman ng agriculture land ng pilipinas, ngunit nahuhuli na tayo sa buong asia sa tinatawag na makabagong kagamitan upang linangin ang ating mga lupain.

Nakakalungkot na ginagamit ng mga politico ang mahihirap upang manatili sila sa pwesto, nag aalaga sila ng mga squatters area para maging vote rich area sa kanilang nasasakupan, ng sa gayun manatili sila sa pwesto. Sa squatters area ang isang 100 sqmts na lupa ay madalas makakakuha ka dito ng10 hanggang 20 botante or higit pa. Pero sa lugar ng mga subdivision ng mga mayayaman sa 100 sqmts. Swerte mo kung makakakuha kahit isang botante, madalas maid lang ang bomoboto. Sa squatters area kasi, ang pagiging botante mo ang susi upang manatili ka sa lugar na iyon, kung ano ang mga benepisyo na galing kay mayor or congressman, botante lang ang magkakaroon.

Masyado na tayong lumalayo kay Sen. Manny Villar. Mabalik tayo,ang isa pa na gustong mangyari ni villar ay ang dumating ang araw na wala ng pupunta sa ibang bansa upang magtrabaho at iwanan ang kanilang mga mahal sa buhay dito sa pilipinas. Napakagandang pakinggan talaga kung sakaling magkakatotoo harinawa. Ngunit sa bansang tulad natin na umaasa sa mga dollar na pinadadala ng mga OFW natin bilyon bilyong dollar ang pumapasok sa ating bansa galling sa kanila kung kayat nakakagalaw pa ang bansang ito, dahil sa dollar ng ating mga OFW. Masakit man pero isa po tayo sa buong mundo na exporter ng tao upang gawing alipin sa ibang bansa. Kahirapan din ang nagtutulak upang iwanan nila ang kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit wala silang magawa, sapagkat kailangan nilang makaahon sa kahirapan.

Ang kailangan natin ay isang malinaw na plataporma para sa mga manggagawa na maiangat ang kanilang pang araw araw nakinikita. Ang isang kasambahay na Pilipino sa hongkong ay kumikita ng higit sa 25,000.00 kada buwan. Masisi ba natin na ang isang teacher ay mamasukang katulong sa ibang bansa, dahil ang kinikita nya ditto sa atin ay 10,000.00 lang or madalas mas mababa pa. Ang minimum wages sa atin 380 a day, ngunit hindi lahat ay tumatanggap nito, dahil marami ang hindi sumusunod ditto. Sa sariling bakuran lang ni Manny Villar, Bagamat hindi nya ito alam. Maraming construction workers ang sumasahod ng mas mababa pa sa 200 isang araw. Kung ang sumasahod ng 380 bilang minimum wage ay kinakapos pa, paano na ang sumasahod lang ng 200 isang araw? Anong klasing pagkain ang kinakain ng mga ito? May sustansya paba? Paano kung nag uupa pa ng Bahay? Anong klasing bahay? Bahay pa ba na matatawag? Paano ang liwanag sa gabi? Meron pa ba? Or nasa maynila ka nga pero gasera naman at kandila ang liwanag mo sa bahay? Dahil sa pagkain nga kulang na mag iilaw kapa. Sana lang wag mangangako ang mga politico ng mga imposible mangyari kasi nakakainis lang, lagi nalang tayong bigo. Nakakainis talaga. Sir ibahin mo nalang ang mga pangako mo, para matuwa naman ako. Or Unahin mong ayusin ang buhay ng mga construction workers na nasa bakuran mo. Ngayon palang, maraming salamat po.