Tuesday, June 9, 2009

12TH YEAR ANNIVERSARY












Nag date kami ni rina nong anniversary namin. Akalain mo, naka 12 year na kami. Ganun katagal ako nakapagtiis ha ha ha ha ha ha. Pero ok lang kahit napaka higpi ng asawa ko, para din naman sa akin yon at sa mga anak ko. Nakakadala kasi pag nag aaway kami ngayon mag asawa, pati sa office pinag tsismisan ako. Kasi nadadamay ang office pag nag aaway kami. Nag tetext sya sa mga pinag hihinalaan nya na kasama ko sa inuman at binabantaan nya na ipatatanggal nya sa trabaho, ayon wala na gusto sumama sa akin mag inuman. ha ha ha ha ha ha ha ha. Kaya sa bahay nalang ako. Para walang gulo, at pag sinasabi sa office na takot ako kay rina, lagi ko lang sinasabi na ayaw ko lang na maingay para walang gulo. period.



Monday, June 8, 2009








Yan ang kuya owen ko, panganay namin. Nakatira na sila ngayon sa cabuyao laguna. Pero hindi na squaters tulad ng dati sa relis ng tren sa makati. 1987 nag simula kaming maging squaters sa gilid ng relis ng tren sa makati magallanes. At sa tagal ng panahon na yon, nangarap kaming na magkaroon ng sariling bahay. hindi na sa relis kundi sa isang lugar na matatawag na amin talaga.
Hindi na ako nakasama sa nabigyan ng bahay at lupa sa cabuyao laguna. dahil ang naging asawa ko ay may roon na namang lupa sa cavite bacoor. Ngunit labis pa din ang kasiyahan ko para sa mga kapatid ko na nabigyan sila ng bahay at lupa ng gobyerno. Si owen si ramon si bobong at ang ate neneng ko. Apat sa ga kapatid ko ang nabigyan ng sariling bahay at lupa sa cabuyao laguna. Ngayon masaya silang namumuhay sa lugar kung saan para talaga sa mga tao ang lugar hindi kinakabahan na baka may masagi ng tren. Ang iba ko namang mga kapatid ay nasa ibang bansa na. At maayos din naman ang buhay. Ako naman ay maayos na din ang buhay, sa pamamagitan ng construction. Kahit wala akong alam sa larangan ng construction ay natutunan ko naman. Ang kailangan lang laging may kasamang puso sa lahat ng ginagawa mo para lumabas na maganda ang ginagawa mo. Hindi kailangan na engr ka o architech ka para makagawa ka ng magandang bahay. Mahalaga na iisipin mo lagi na masisiyahan ba ang magiging may ari nito sakaling lumipat na sya? Dapat sa sarili mo palang quality na. Kung sa paningin mo palang bagsak na, ayusin mo na para pag dating ng ibang titingin maayos na. Mahalaga din na alam mo ang damdamin ng bawat tao mo na gumagawa, dahil nakasalalay dito ang maayos na samahan. Pag maayos ang samahan, maganda ang kalalabasan ng anumang proyekto na inyong ginagawa.