Thursday, April 24, 2008


SI KUYA BOY TUNGGA



JJM CONSTRUCTION COMPANY STAFF OUTING



Yan ang aming staff outing sa splash island. Kasama ang mga anak ng boss namin. April 24,2008

Thursday, April 17, 2008

NEW PICTURES

Siguro medyo nagtataka kayo kung bakit natagalan bago ako naglagay ng post ko. Busy kasi ako masyado nitong mga nakaraang buwan, dami kasi talaga ng trabaho ko, hindi ko na nga alam kong ano ang mga unahin ko. Sa office sa construction site, ay ewan hindi ko na nga alam kong paano ko nagagawa lahat ng iyon. Pero ang matindi nitong nakaraang araw, may nag away ako na mga tauhan, nagsapakan ba, si brian at eric, parehas ko silang mga pintor.

7 pm ng gabi sabado tinawagan ako sa bahay emergency daw, takbo naman ako, pina ospital ko, tapos punta naman sa barangay para mag pa blotter, awa ng dios nagkasundo naman. Pero 2 tao ang tinanggal ko sa trabaho, kasi sinugod nila sa bahay si eric at nadamay ang anak ng isang tao ko. Naumpog sa pader. Kaya kahit masipag naman si brian at jay ay napilitan ako na sibakin sila para hindi na pamarisan ng iba na basta nalang mananakit ng tao.

Kinabukasan naman sunday, may bisita kami taga iloilo, pinasyal ko sa mall of asia, greenbelt makati, taguig at sa tagaytay, awa ng dios, nakauwi ako 3 am na monday. Pag gising ko ng 6 am monday, punta na ako ng office kasi dami ako talaga work, kaya kahit puyat nag office na ako.

Hindi pa umiinit ang puwet ko sa office, bigla naman may dumating, may tinakbo daw sa ospital, inatake, takbo naman ako ng ospital sa molino doctors hospital. Naku po naghihingalo na si lino ibanes, yong laborer namin na medyo may edad na, pero napamahal na rin sa akin kasi kahit bihira ako pumunta sa construction site, lahat sila mabait, kasi kinakamusta ko talaga sila. At isa si lino ibanes ang magiliw sa akin kasi kahit daw mababa ang klase ng work nila, mabait ako sa kanila. Kaya nong sinabi ng doctor na hindi nila kaya, humingi ako ng permit na mailabas ko si manoy para itakbo sa ibang hospital. Mabilis naming dinala sa las pinas hospital, pero tinanggihan din. kaya sinubukan ko ulit na dalhin naman sa pgh sa maynila, pero sa kasawiang palad, noong nasa coastal road kami, nalagutan na ito ng hininga, hindi ko napigilan lumuha ako, dahil sa awa kay manoy, kahit na dapat maging matatag ako sa mga ganitong sitwasyon. Dinala ko sya pasay general hospital, pero talagang dead on arrival na sya.

Wala kaming record ni manoy kasi, naubos lahat sa sunog noong january 18,2008. Kaya medyo nahirapan ako na hanapin ang mga anak nya, at hindi ko din alam ang tamang eded ni manoy, kasi tuwing tinatanong ko sya sabi nya 14 lang sya at binata pa. Inabot kami ng gabi sa pag hahanap sa mga kamag anak nya, noong makita ko ang kalagayan nila naawa na nanaman ako, kasi ang work ng mga anak nya nag dudurog ng bubug sa tambakan ng basura sa carmona, halos madurog ang puso ko. Kasi noong sinabi ko na patay na ang tatay nila. Hindi sila umiiyak dahil patay na ang tatay nila kundi dahil sa kahirapan nila, wala silang makain at ni wala rin silang pamasahe. Pati ang bahay nila hindi rin puedeng pagburulan ng patay.

Kaya halos hindi sila kumikilos sa kitatayuan nila. Na naging dahilan kaya na delay kami ng kung ilang oras sa carmona. Nakapunta kami ng funerrria sa pasay gabi na talaga, nakauwi ako 4 am na martes. Talagang pagod na pagod ako. 7 am tumawag na ang boss ko, kailangan daw matapos ko ang problema na yon, kaya imiiyak na talaga ako sa harap ng boss ko. naghalo na kasi ang pagod puyat, strees at pag kaawa sa pamilya ni lino ibanes. Kahit na hindi dapat sa tulad ko na maging mahina sa harap ng mga tauhan namin, lalong lalo na sa harap ng mga boss ko.

Sabi ng boss ko gutom lang daw kaya parang bumibigay na ako, kahit marami kasing pera, hindi naman ako makakain kasi ang dami kong iniisip talaga. mga naiwan ko sa office, mga tauhan ko sa construction site, mga tawa pa ng ibang contractor, ang factory namin ng stucco, ewan ko naghalohalo na talaga. pero awa ng dios natapos din. Kaya noong nagkaigi na kami ng mga anak ni manoy, nakahinga na ako. sya sa susunod nalang marami pang kakaiba na nangyari sa buhay ko dito.