Thursday, November 20, 2008

Sunday, October 19, 2008

Saturday, October 4, 2008

Thursday, October 2, 2008

Wednesday, June 18, 2008

STUCCO INSTALLER AT ANTIPOLO


Yan ang mga workers ko, lahat sila ay expert na sa pag pahid ng stucco, may color man o wala
Parang naglalaro lang ang mga yan, pag oras ng trabaho ako ang nasusunod, ngunit pag katapos ng oras ng work, nakikipag biruan na ako sa kanila. Mula sa kaliwa si jhonrel saratubias from cebu, sya ang pinaka pasaway na workers ko, pero pilit ko na iniintindi dahil bisaya hindi lang nya masabi ng maayos ang gusto nya, kaya masakit sa tenga pakinggan pag may sinasabi sya. Siguro dahil bisaya sya. Pero isa sya sa pinaka ma ayos magtrabaho. Sunod si ronnie quinola, hindi naman ito halos nagsasalita, minsan naman parang tulala. at ang sunod ang inyong lingkod. Pakatapos ko si allan nawol, asawa sya ng maid ng mga amo ko. Noong unang pasok nya wala syang alam sa trabaho, noong pinag pintura ko sya, nakalaglag ng isang gallon na paint sa bubong ng bahay, at isang linggo bago ko ito nalaman dahil sa sumbong ng mga engr sa site, nakunsumi talaga ako at gusto ko sya terminate na lang, pero pinigilan ako ang amo ko, kasi malaki daw ang utang sa kanila. ha ha ha ha ha. ang sunod si warlito sabas, tahimik masyado trabaho lang talaga sya, pag kinausap ko, halos di ko madinig sumagot. At si albert, sya ang nagturo sa ibang tao ko ng tamang pagpapahid ng mga stucco, pero sya din ang pasimuno sa hindi pag trabaho ng tamang oras, at maagang pagtigil sa trabaho kahit wala pa sa oras. At ang nasa harapan si michael argosino, sya ang madalas kong kasama sa mga demo namin. Isa sya sa pinakamagaling magpahid ng stucco, pero lagi lang absent. At ang katabi ko sa itaas na picture bandang kaliwa si greg sercidello, ang aking driver, na akala mo laging may humahabol sabilis nyang mag drive. Naging driver ko sya, noong nagpunta ako sa orchard project namin, tuwing nakikita nya ako, madalas sya mag reklamo sa akin na mababa daw ang sweldo nya bilang steel man. Kaya tinanong ko sya kung ok sa kanya na mag drive sa akin, ayon naging driver ko na.

Isa ito sa mga nagawa naming bahay sa antipolo rizal. Ang stucco nito ay pinahid namin sa loob lamang ng isang araw. At kitang kita, halos buo na ang bahay. Yan ang nagagawa ng stucco finish na bahay. Mula sa palitada lang, walang ng ibang gagawain kundi ang ipahid ang stucco. Ngunit mahalaga na malinis na ang buong paligid ng bahay bago ang pagpapahid upang hindi madumihan ang kulay ng stucco. Hindi na kailangan na maglason ng pader, napakaraming matitipid pag stucco kasi ang ginamit, tipid sa labor at materiales. Kung ang bahay na ito ay gagamitan ng mga paint, pinaka mabilis na ang 15 days siguro para ito ay mayari. Ngunit kung stucco, ito kayang kaya ng isang araw lamang at gagamit ng 8 tao ( 8 workers ).

Tuesday, May 27, 2008

STUCCO , AMORE OF PORTOFINO


Ito ang actual na pagpapahid ng stucco sa amore portofino, Brittany sa New Alabang. makikita na ang stucco ay derecho na ipinapahid na may kulay na. Ang ganito kalaking bahay ay nayayari sa stucco ng 3 araw lamang, ito tatlong palapag na bahay. Sa pamamagitan ng mga scafolding, ito ay napapahiran ng maayos at parang wall paper pag nayari. Marami din namang bumibili sa amin ng stucco, at sila ang nagpapahid, siguro upang makatipid sa labor, sa kasamaang palad hind nila nagagawa ng maayos, nagkakaroon ito ng mga dugtungan. Sa maayos na pag tuturo ko sa mga tauhan ko, ito nagagawa namin ng maganda, kayat marami ang nagtitiwala sa amin sa maraming project ng ibat ibang contractor.

Thursday, May 8, 2008


11TH WEDDING ANNIVERSARY

After ng maghapon na trabaho, muntik ko na malimutan ang 11th anniversary namin. Kaya bumili nalang ako ng cake at presto ganyan lang ang handa ok na. May 6, 2007 kami kinasal sa Manila City Hall. Parang kailan lang. Ganun yata talaga ang buhay kahit ano mangyari tuloy lang.

STUCCO IVORY COLOR

Cessan model, ito ang napiling color ng owner kasi maliwanag daw, ngunit nagkaroon ng problem sa developer, kasi bawal pala ang maliwanag na color sa amore. Kayat nagtaka ako kung sino ang dapat masunod. Ang developer ba? o ang taong titira at magbabayad ng bahay na siyang dapat masunod kung ano ang color na gusto nya sa bahay? Sa ganang akin, ang dapat na masunod ay ang may ari ng bahay.

WITH MY WORKERS AT PORTOFINO


PORTOFINO COURTYARD 2 W/ MY WORKERS


AMORE OF PORTOFINO

Ang cessan model ng amore de portofino ng brittany. Hindi ito pang karaniwang bahay lang, sapagkat napakarami nitong kwarto. Kasalukuyan itong pinapahiran ng STUCCO. Ang nauubos na stucco sa ganito kalaking bahay ay 45 tins or balde ng stucco. Ang kulay na nakikita nyo ay tinawag naming scheme # 9 ng portofino. Ang halaga ng stucco bawat balde ay 1,920 pesos supply and application na yon. Ang bilang ng tao na gumagawa nito ay 6 hanggang 8 sa loob ng 3 hanggang 4 na araw lang.

Thursday, April 24, 2008


SI KUYA BOY TUNGGA



JJM CONSTRUCTION COMPANY STAFF OUTING



Yan ang aming staff outing sa splash island. Kasama ang mga anak ng boss namin. April 24,2008

Thursday, April 17, 2008

NEW PICTURES

Siguro medyo nagtataka kayo kung bakit natagalan bago ako naglagay ng post ko. Busy kasi ako masyado nitong mga nakaraang buwan, dami kasi talaga ng trabaho ko, hindi ko na nga alam kong ano ang mga unahin ko. Sa office sa construction site, ay ewan hindi ko na nga alam kong paano ko nagagawa lahat ng iyon. Pero ang matindi nitong nakaraang araw, may nag away ako na mga tauhan, nagsapakan ba, si brian at eric, parehas ko silang mga pintor.

7 pm ng gabi sabado tinawagan ako sa bahay emergency daw, takbo naman ako, pina ospital ko, tapos punta naman sa barangay para mag pa blotter, awa ng dios nagkasundo naman. Pero 2 tao ang tinanggal ko sa trabaho, kasi sinugod nila sa bahay si eric at nadamay ang anak ng isang tao ko. Naumpog sa pader. Kaya kahit masipag naman si brian at jay ay napilitan ako na sibakin sila para hindi na pamarisan ng iba na basta nalang mananakit ng tao.

Kinabukasan naman sunday, may bisita kami taga iloilo, pinasyal ko sa mall of asia, greenbelt makati, taguig at sa tagaytay, awa ng dios, nakauwi ako 3 am na monday. Pag gising ko ng 6 am monday, punta na ako ng office kasi dami ako talaga work, kaya kahit puyat nag office na ako.

Hindi pa umiinit ang puwet ko sa office, bigla naman may dumating, may tinakbo daw sa ospital, inatake, takbo naman ako ng ospital sa molino doctors hospital. Naku po naghihingalo na si lino ibanes, yong laborer namin na medyo may edad na, pero napamahal na rin sa akin kasi kahit bihira ako pumunta sa construction site, lahat sila mabait, kasi kinakamusta ko talaga sila. At isa si lino ibanes ang magiliw sa akin kasi kahit daw mababa ang klase ng work nila, mabait ako sa kanila. Kaya nong sinabi ng doctor na hindi nila kaya, humingi ako ng permit na mailabas ko si manoy para itakbo sa ibang hospital. Mabilis naming dinala sa las pinas hospital, pero tinanggihan din. kaya sinubukan ko ulit na dalhin naman sa pgh sa maynila, pero sa kasawiang palad, noong nasa coastal road kami, nalagutan na ito ng hininga, hindi ko napigilan lumuha ako, dahil sa awa kay manoy, kahit na dapat maging matatag ako sa mga ganitong sitwasyon. Dinala ko sya pasay general hospital, pero talagang dead on arrival na sya.

Wala kaming record ni manoy kasi, naubos lahat sa sunog noong january 18,2008. Kaya medyo nahirapan ako na hanapin ang mga anak nya, at hindi ko din alam ang tamang eded ni manoy, kasi tuwing tinatanong ko sya sabi nya 14 lang sya at binata pa. Inabot kami ng gabi sa pag hahanap sa mga kamag anak nya, noong makita ko ang kalagayan nila naawa na nanaman ako, kasi ang work ng mga anak nya nag dudurog ng bubug sa tambakan ng basura sa carmona, halos madurog ang puso ko. Kasi noong sinabi ko na patay na ang tatay nila. Hindi sila umiiyak dahil patay na ang tatay nila kundi dahil sa kahirapan nila, wala silang makain at ni wala rin silang pamasahe. Pati ang bahay nila hindi rin puedeng pagburulan ng patay.

Kaya halos hindi sila kumikilos sa kitatayuan nila. Na naging dahilan kaya na delay kami ng kung ilang oras sa carmona. Nakapunta kami ng funerrria sa pasay gabi na talaga, nakauwi ako 4 am na martes. Talagang pagod na pagod ako. 7 am tumawag na ang boss ko, kailangan daw matapos ko ang problema na yon, kaya imiiyak na talaga ako sa harap ng boss ko. naghalo na kasi ang pagod puyat, strees at pag kaawa sa pamilya ni lino ibanes. Kahit na hindi dapat sa tulad ko na maging mahina sa harap ng mga tauhan namin, lalong lalo na sa harap ng mga boss ko.

Sabi ng boss ko gutom lang daw kaya parang bumibigay na ako, kahit marami kasing pera, hindi naman ako makakain kasi ang dami kong iniisip talaga. mga naiwan ko sa office, mga tauhan ko sa construction site, mga tawa pa ng ibang contractor, ang factory namin ng stucco, ewan ko naghalohalo na talaga. pero awa ng dios natapos din. Kaya noong nagkaigi na kami ng mga anak ni manoy, nakahinga na ako. sya sa susunod nalang marami pang kakaiba na nangyari sa buhay ko dito.







Saturday, March 1, 2008

ANG TRABAHO KO NGAYON 2

Ang masakit nito, hindi naman nabawasan ang trabaho ko sa office, kasi gamay ko na daw ang work, ako padin ang nag iinput ng payroll at marami pang ibang office work. Kasabay ng pag papatakbo ko ng factory at ng mga tao sa site. Minsan iniisip ko kung paano ko nagagawa lahat ng iyon, ang nakakatuwa lang todo suporta ang mga boss ko sa akin. Nag hire ako ng bago kung tao, kasi marami palang kulang sa workers. Bukod pa ang mga byahe ko sa ibat ibang site, nakakapagod pero masaya ako pag may natatapos, may mga problema din naman kasi hindi naman makina ang mga kasama ko may mga moods din sila, kaya kahit ako na boss nila, nag aadjust din naman ako sa kanila. Dati ako ang nag drive sa sarili ko, pero ngayon nag hire na ako ng sarili kong driver, si greg. At nito nakaraang araw nag hire ang office namin ng assistant ko, si Engr. Dennis, Pero nakikita ko sa kanya parang hindi sya tatagal, kasi medyo shock sya sa dami ng trabaho namin. Wish ko lang sana tumagal sya kasi ngayon lang ako may makakatulong sa office work at sa construction site.

Dati ang office namin nasa citta itallia sa imus, pero nasunog ito noong january 18,2008 ako palang ang nasa office friday yon gumagawa na ako ng payroll 8 am, bigla nag click ang breaker namin, kala ko kung ano lang kaya lumabas ako para ipagawa sa mga tao namin, pero pag labas ko, malaki na pala ang apoy, hindi ko masyadong naririnig kasi salamin ang office at nakayuko naman ako. Kaya ang unang naisip ko ang mga computer, lahat kailangan mailabas namin, ang nangyari karamihan ng computer putol putol ang mga wire, Pati ang service ko na motor nasunog din hindi ko na nahabol, kaya iniyakan ko yon, kasi gusto ko pa balikan marami na umawat sa akin na mga trabahador namin. Dumating naman agad mga pamatay sunog, pero hindi na talaga kaya, kasi subra na ang laki ng sunog. Awa ng dios worth 6,000,000.00 ang halaga ng nasunug. Umaga nasunug pero after lunch nakaupo na ako sa harap ng computer na nailigtas ko, gumagawa na ulit ako ng payroll, kasi sweldo kinabukasan, at kawawa talaga mga workers namin kasi nong oras na masunog ang barracks at office nasa work na sila lahat kaya ang mga natirang gamit nila yong suot nilang uniform at gamit sa pag gawa ng bahay. lahat sila halos walng maisuot talaga, kaya hanap ako ng mga luma ko na mga damit pinamigay ko sa kanila. Hanggsng ngayon naiiyak ako sa sunog na yon. Kasi napamahal na sa akin ang office nayon kahit marami akong work don. Pero ang factory hindi kasama, kasi nasa ibang lugar ang factory namin. Sa ngayon sa macaria homes na ang office namin at lahat ng gamit bago lahat at naging mas magaganda pa.

ANG TRABAHO KO NGAYON

Medyo matagal na panahon din na hindi ko nasabi sa aking blog kung ano ang work ko ngayon, kasi, hindi ko pa maintindihan talaga kung ano ba talaga ang trabaho ko. Sa kasalukuyan nandito ako sa JJM CONSTRUCTION COMPANY, kami ang gumagawa ng mga bahay sa crown asia. Nong umpisa hindi ko maintindihan ang napasukan ko. Kasi driver ang alam ko na work, nong inalok ako sa jjm, kala ko driver din, pero nagkamali ako office work pala. Medyo nagulat ako kasi 8 years ago pa nong una akong mag office work as property administrator sa makati.

Kaya inisip ko baka hindi ko kaya, tapos construction pa. Nag iinput ako ng payroll ng mga construction worker, lahat pati ang kanilang mga deduction cash advance, canteen, at marami pang iba, minsan gumagawa ako ng memo. Paglipas ng ilang buwan may mga time na gusto ko ng sumuko kasi hindi ako sanay sa ganitong work, gusto ko lagi akong nasa labas, pero masarap din naman sa office, kasi malamig, hindi katulad ng mga construction workers namin, lahat sila madumi, kahit pag napasok sila sa office pag may kailangan.

Bilib ako sa kanila kasi ang gaganda ng bahay na ginagawa namin, at kamay nila ang gumawa ng lahat ng iyon. Pagkalipas ng ilang buwan, December, nag file ako ng resignation kasi, parang hindi ko kaya ang work, pero hindi ako pinayagan, kasi ayaw nilang maniwala na hindi ko kaya ang work, kasi pag kakaalam nila magaling ako. Totoo kaya ko ang work, pero minsan hindi lang naman sa work may problem, pati sa mga kasama. Nong pumasok kasi ako marami akong nalagpasan sa position at sa sweldo. Na hindi ko naman alam, kasi bago nga ako.

Pagkalipas pa ng ilang buwan, nakikita ko na malaki na ang tiwala sa akin ng mga boss ko. Kasi may leadership daw ako sa work. Ginawa akong head ng isang company namin ang HI-TECH WALL SYSTEM COMPONENTS. May factory kami ng stucco yon ang pre color wall plastering. Medyo nag alangan nanaman ako kasi maraming tao ang hahawakan ko, ang factory, ang mga trabahador nito, at ang mga tao sa construction site, maraming construction site, ibat ibang lugar. At ang mabigat sa lahat wala akong alam sa pag papatakbo ng factory at mga tao sa construction. Alam nila kasi nasa office lang ako ng jjm, at nakikita lang nila ako pag napunta sila sa office, tapos bigla lalabas ako at ako na ang boss nila. Diba magugulat sila. Pero sabi ng mga boss ko kaya ko daw at lahat ay napag aaralan naman.

Sunday, February 3, 2008

Tuesday, January 8, 2008

NAZARENO NG MANILA

Birthday ngayon ni rina, ang aking pinaka mamahal na asawa, wala nga lang handa kasi poor kami ngayon. Pero masaya pa din kami ng aking pamilya kasi, nakabayad na kami sa meralco at magaling na din ang aming bunso na si jayjay. kasi 3 days syang nagtatae at sumusuka, natatakot nga kami, pero hindi naman namin madala sa ospital, kasi ang work ko ngayon di katulad dati na may sss at philhealth ako. na anytime na may sakit ang mga anak ko, naitatakbo agad sa ospital. Ngayon sa dito sa bago ko na work, wala akong sss at philhealth. kaya pag may sakit ang mga anak ko, ginagawan nalang namin ng paraan sa bahay. Masakit sa magulang na hindi mo man lang madala sa ospital ang anak mo pag may sakit. Pero kulang kasi palagi ang kinikita ko sa ngayon. kaya pasensya nalang muna sa mga anak ko. Nakakalungkot pero kailangan tuloy ang buhay kahit na mahirap, iniisip ko nalang na mas maraming mahirap kisa sa amin. ngayon birthday ni rina, wala man lang akong maregalo sa kanya sa 11 years naming magkasama, at paglilingkod nya sa amin ng mga anak ko, hindi ko na matandaan kung kailan ko sya huling naregaluhan sa birthday nya. di bale pag sa sunod na taon maluwag na kami babawe ako. sa ngayon happy birthday lang muna. hindi nga pala happy, ha ha ha ha ha ha ha ha